Inutos ng mahistrado sa Kowloon City Courts na ibalik ang dalawang Pilipina sa kulungan. |
Dalawang Pilipinang domestic helper na may kasong pagnanakaw ng $2.37 million na halaga ng relo at alahas, ang ibinalik sa kulungan ngayon matapos humarap sa Kowloon City Courts.
Sina Bernadette Paranas at Gina Quinones, 39 at 33 taong gulang,
ay inakusahang nagnakaw ng walong mamahaling relo, isang bracelet at isang
gintong singsing na ang kabuuang halaga ay $2.37 million.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Naganap diumano ang pagnanakaw sa pagitan ng May 2021 at Nov. 26,
2022 sa isang flat sa Sheung Shing Court sa Kowloon City.
Sinampahan sila ng Kowloon City Police ng paglabag sa
Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpapataw ng hanggang 10 taong pagkabilanggo sa
ganitong klase ng krimen.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Hiningi ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdining sa May 25 para
sa dagdag na imbestigasyon at payong legal.
Dahil hindi sila humiling na mapalaya sa bisa ng piyansa,
inutos ni Magistrate Lau Suk-han na ibalik sila sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kanilang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa taga-usig, sakaling humiling sila na payagang magpiyansa ay hahadlangan niya ito dahil sa bigat ng kaso nila.
Gayunpaman, ipinayo ni Magistrate Lau na may karapatan silang pumunta sa High Court para doon humiling ng piyansa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |