Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

10 linggong kulong dahil sa marijuana

20 March 2023

 

Ito ang lugar kung saan hinuli ang Pilipina

Isang Pilipina ang umamin sa kasong “trafficking in a dangerous drug”, pero dahil marijuana ang nasamsam sa kanya at hindi ang mga mapanganib na droga gaya ng coccaine, sinabi ng mahistrado na ginaangan niya ang parusa dito.

Nagsimula sa 15 linggong kulong ang ipinataw kay Rhea Nerissa Maristela, 26 taong gulang, pero dahil binigyan siya ng 1/3 na discount sa sentensiya kasunod ng kanyang pag-amin, 10 linggo ang natira sa kanyang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa Dangerous Drugs Ordinance, ang parusa sa mas magaang na mga kaso ng drug trafficking ay may parusang multa na aabot sa $500,000 at pagkakakulong na tatlong taon.

Pero dahil nakakulong na si Maristela simula pa nang mahuli siya noong Oktubre, inaasahang agad siyang pakakawalan dahil sobra-sobra na ang napagsilbihan niya sa loob.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Simula pa sa pagdinig noong Oct. 21, tinanggihan na ng korte ang alok na piyansa ni Maristela, dahil sa dami ng nasamsam na marijuana sa kanya, na tumimbang ng kabuuang 243.43 gramo.

Pinuna rin ni Acting Principal Magistrate Peony Wong sa pagdinig ngayon (March 20) sa Kowloon City Courts na may limang beses nang nahatulan si Maristela sa mga nagdaang kaso ng pagnanakaw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nahuli si Maristela, na nagtatrabaho bilang watress, sa Nathan Road sa Tsim Sha Tsui noong Oct. 13.

Nakuha sa kanyang pangangalaga ang mga sumusunod:

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

  • Isang bukas nang plastic bag na may lamang 2.76 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
  • 19 na plastic bag na may lamang 52.27 gramo ng marijuana.
  • 50 plastic bag ng may lamang 42.91 gramo ng marijuana.
  • 25 plastic bag na may lamang 68.90 gramo ng marijuana.

Pindutin para sa detalye!

  • 50 plastic bag na may lamang 44.41 gramo ng marijuana.
  • 37 plastic bag na may lamang 32.18 gramo ng marijuana.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss