Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

10 katao, inaresto dahil sa ilegal na trabaho

05 March 2023

 

Ang 2 sa mga lalaking nahuli sa pinakahuling operasyon ng Immigration at pulis

Umabot sa 10 katao ang naaresto ng magkasanib na puwersa ng Immigration Department at pulis sa pinakahuling operasyon na isinagawa kontra sa ilegal na pagtatrabaho.

Kabilang sa mga nahuli sa apat na araw na kampanya nitong Feb 27 hanggang Mar 2 ay anim na pinaghihinalaang nagtatrabaho ng ilegal, dalawang employer at dalawang overstay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mahigit 80 na mga lugar ang ni-raid ng mga awtoridad, kabilang ang ilang mga gusali, restaurant at tindahan.

Sa unang operasyon ng Immigration na tinawag na Lightshadow at Twilight ay limang manggagawa at isang employer ang nahuli. Ang mga inaresto dahil sa ilegal na pagtatrabaho ay dalawang lalaki at tatlong babae, edad 29 hanggang 49. Ang employer naman ay lalaki na edad 39.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa hiwalay na operasyon kasama ang mga pulis na tinaguriang “Champion”, ay 26 na mga lugar sa Hung Hom at Kowloon City ang nakasama sa target. Nahuli ang isang trabahador na lalaki edad 55, kanyang babaeng employer edad 54, at dalawang overstayer na parehong babae, edad 36 at 42.

Nagbabala ang Immigration na ang sino mang mahuli na nagtatrabaho ng ilegal ay maaring pagbayarin ng multa ng hanggang $50,000 at ikulong nang hanggang dalawang taon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pindutin para sa detalye!

Mas mahaba ng isang taon ang parusang ipinapataw kung ang nahuli ay overstay na o paso na ang visa.

 Ang parusa naman sa kanilang mga employer ay multa na hanggang P500,000 at kulong ng hanggang 10 taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss