Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy nakaiwas sa kulong, pero inutusang magserbisyo sa komunidad

07 February 2023

 

Ang basketball court na pinangyarihan ng krimen. (Google Maps photo)

Tuluyan nang nakaiwas sa kulong ang isang Pilipinong nauna nang umamin na nagnakaw ng isang iPhone sa isang basketball court sa Hong Tat Path sa  Tsim Sha Tsui.

Sa halip ay inutusan ng Kowloon City Magistracy acting Principal Magistrate na si Peony Wong na magbigay si C. Zulueta, 20 taong gulang, ng 240 oras na libreng serbisyo sa komunidad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa report na ginawa ng probation officer tungkol kay Zulueta, tinanggap ang community service order (CSO) bilang angkop na parusa sa kanyang nagawa, kung ituturing ang kanyang edad noong nangyari ang krimen na 19 na taong gulang.

Ayon sa kanyang abogado, suportado rin ito ng kanyang pamilya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ipinayo niya na ang CSO ay gawing 80 hanggang 160 oras.

Tutal naman, ika ng abogado, naibalik na sa may-ari ang telepono, at pinabayaan niyang walang bantay ang kanyang mga gamit kaya nanakaw.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero ani Magistrate Wong, dinamihan niya ng araw ang CSO ni Zulueta dahil sa bigat ng krimen at upang maging aral para sa kanya.

Binalaan niya rin si Zulueta na pagbutihin ang kanyang trabaho, dahil kapag nag-report ang probation officer na hindi maayos ang ginawa niyang serbisyo sa komunidad o gumawa siya ng bagong pagkakasala, ay ibabalik sya sa korte at bibigyan ng parusang mas nararapat.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Basahin ang dagdag na detalye sa nauna naming report tungkol dito: https://www.sunwebhk.com/2023/01/pilipino-maaaring-makaiwas-kulong.html

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss