Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinahigpit ng pulis ang kampanya laban sa online scam

12 February 2023

 

Iba-ibang paraan ng pagkilala sa scam ang ipinakita sa katatapos na exhibition 

Nagsanib-pwersa ang Hong Kong Police, Office of the Communications Authority (OFCA) at mga kumpanya ng mobile phone para sugpuin ang lumalalang problema sa scam sa pamamagitan ng telepono at internet.

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para tulungan ang publiko na makaiwas sa scam ay nagdaos ng roving exhibition ang OFCA sa Lohas Park nitong nakalipas na dalawang araw, kung saan hinikayat ang publiko na maging mas mapanuri sa mga ginagamit na paraan ng pakipagtalastasan sa ibang tao.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nagtayo sila ng mga panel display, nagpalabas ng video at nagpalaro para mas maintindihan ng mga dumalo ang kahalagahan ng kanilang mensahe.

Nakilahok ang mga opisyal ng Anti-Deception Coordination Centre (ADCC) at CyberDefender ng HK Police para ipaliwanag ang mga klase ng panlilinlang na ginagawa ng mga kriminal gamit ang telepono at online apps katulad ng messenger at WhatsApp.


Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinamantala ng mga opisyal ng pulis ang pagkakataon para palaganapin ang kaalaman tungkol sa 24-hour “Anti-Scam Helpline 18222” na pinapatakbo ng ADCC at kung paano gamitin ang “Scameter” sa website ng CyberDefender para malaman kung ang isang kausap online ay isang scammer.

Pinapaalalahan nila ang lahat na kapag nakatanggap sila ng nakakadudang tawag, mensahe o imbitasyon para pumasok sa isang website ay maari nilang ilagay sa Scameter ang pangalan na binigay  sa kanila o kaya ang account number sa pagbabayad, numero ng telepono, email address, o URL, para agad malaman kung manloloko ang kausap nila. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maari din nilang tawagan ang “Anti-Scam Helpline 18222” para magtanong. 

Ang grupo na itinayo para pagtulungang itigil ang lumalalang problema sa scam ay nabuo pagkatapos na magpulong-pulong noong Setyembre ng nakaraang taon ang mga pulis, kasama ang pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na kasangga nila.


PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss