Sa lugar na ito nabaril ng pulis si Arimas nang tatlong beses |
Muling pinagpaliban ang pagdinig sa kasong isinampa
sa isang Pilipinong negosyante na nabaril ng tatlong beses sa Peng Chau noong
gabi ng Jan. 24 matapos daw nitong sakalin at itulak sa hagdanan ang isang
pulis.
Ayon sa tagausig, nasa ospital pa rin si Oliver
Dairo Arimas, 43 taong gulang, kaya hindi nakaharap sa Eastern Magistracy
kanina.
\
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahaharap si Arimas sa kasong “assault with intent
to prevent lawful apprehension” o pananakit na ang intension ay pigilan ang pag-aresto sa
kanya nang naaayon sa batas.
Sa hiling ng tagausig ay inutos ni Magistrate Jason
Wan na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso sa Feb. 6, o mas maaga pa, sakaling
payagan nang lumabas sa ospital si Arimas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero makalabas man sa ospital ay mananatili pa ring
arestado ang Pilipino hanggang dinidinig ang kanyang kaso.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang pagbaril kay Arimas
matapos ireklamo ang diumano pag-iingay nito at iba pang mga Pilipino habang
nag-iinuman sila sa isang kuwarto sa second floor ng No 6 Wing On Street sa
Peng Chau bandang 10:40 ng gabi sa ikalawang araw ng Chinese New Year.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dalawang beses na daw silang pinuntahan ng mga pulis
dahil sa reklamo pero nagpatuloy pa rin sila sa pag-iingay.
Imbes tumigil ay pinagtulakan daw nito ang isang pulis
at dinakma sa leeg kaya napilitan itong paputukan siya ng tatlong beses, na
tumama lahat sa katawan niya.
Itinakbo si Arimas sa Pamela Youde Nethersole
Eastern Hospital na kritikal ang kalagayan, bagamat matapos ang ilang araw ay
ibinalitang bumuti na nang bahagya ang kundisyon nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
May isa pang Pilipinong kainuman ni Arimas na
inaresto din ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis at hindi kinasuhan.
Marami ang umalma sa dami ng bala na pinaulan sa
katawan ni Arimas, dahilan para magbigay ng pormal na pahayag ang pulis na
naayon sa batas ang ginawa ng tauhan nilang tinawag lang na “SPC 47299”. Malaking
tao daw si Arimas, kaya kinailangang magpaputok ng pulis para depensahan ang sarili.
PADALA NA! |