Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipino, umamin sa pagdadala ng marijuana, pero hindi ng panloloob

13 February 2023

 

Nangyari ang diumanong panloloob sa isang gusali sa Peel Street sa Central

Isang 28 taong gulang na Pilipinong residente ang humarap sa District Court kanina sa sakdal na panloloob sa isang gusali sa Central, at pagdadala ng cannabis o marijuana, mahigit apat na taon na ang nakakaraan.

Inamin ni Melvin Adrian F. Zuniga sa harap ni Judge Daniel Tang ang pangalawang sakdal, na noong ika-27 ng Setyembre, 2018, ay nakitaan siya ng 7.88 gramo ng damo ng cannabis at 0.83 gramo ng cannabis resin, nang patigilin siya ng pulis sa may Arbuthnot Road sa Central.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero itinanggi niya ang unang paratang, na nilooban niya ang isang gusali sa ground floor ng no 53 Peel Street sa Central noong ika-24 ng Setyembre ng parehong taon, at tinangay ang may $3,000 cash.

Ang burglary o sapilitang panloloob ay may kaparusahang pagkakakulong ng hanggang 14 taon sa ilalim ng Theft Ordinance ng Hong Kong. Ang possession o pagdadala naman ng droga ay maaring parusahan ng hanggang pitong taong pagkakakulong at multa ng hanggang $1 million.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abugado, napilitan lang daw aminin ni Zuniga sa isang video interview sa istasyon ng pulisya ang paratang na nanloob siya dahil natakot siya sa mga pulis at wala siya sa sarili niya noong panahon na iyon. Sinabihan din siya na papayagan siyang magpiyansa kapag inamin niya ang paratang sa kanya.

Dahil sa pagtanggi niya sa akusasyon ay inutos ni Judge Tang na litisin siya ayon sa sakdal.

Unang tinawag na testigo ng tagausig ang pulis na humuli kay Zuniga sa may Arbuthnot Road Sabi ni Police Constable Wong, pinatigil niya sa daan ang akusado dahil sa kahina-hinala nitong galaw.

Ayon daw sa akusado ay sa Hong Kong ito ipinanganak kaya English ang gamit nitong salita.

Sinabi din nito na nagtatrabaho siya sa isang bar na ang pangalan ay dragon –i, pero isang buwan pa lang daw siya doon. Dati daw itong nagtatrabaho sa Chi Chi Cham, isang restaurant sa Peel Street, at alam nitong hindi nila-lock ang pintuan sa likod nito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Noong nagdaang Linggo ay pinuntahan daw niya ang restaurant at pumasok siya mula sa bukas na pinto sa likod at kumuha ng $3,000 sa lagayan ng pera, at lumabas sa parehong lagusan.

Dagdag pa ni PC Wong, sinabi daw na akusado na gumamit siya ng napkin na pantakip sa mukha para hindi siya makilala.

Noon na daw sinabi ng pulis na inaaresto niya si Zuniga, bago dinala niya ito sa istasyon

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Sabi ni PC Wong, bago nila kinuhanan ng pahayag ang akusado sa pamamagitan ng video recording ay pinayuhan muna ito tungkol sa kanyang karapatan na manatiling tahimik dahil anuman ang sasabihin niya ay maaaring gamitin laban sa kanya.

Isinulat din daw niya ang lahat ng mga pangyayari sa isang notebook, na naging tampulan ng pagtatalo sa magkabilang panig kung dapat ba itong tanggapin na ebidensya sa kaso.

Nakatakdang magpatuloy ang paglilitis hanggang sa Miyerkules.

PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss