Ang kaguluhan ay nangyari sa tabi ng parkeng ito sa Wanchai |
Handa na sanang umamin ngayon ang isang Pilipinong driver sangkot sa kasong pananakit, pero hindi ito pinansin ng isang mahistrado sa Eastern Court nang mapansin niyang wala itong abogado.
Nang tanungin si Delfin Villaremo,55 taong gulang, kung bakit wala siyang abugado, sumagot ito na wala siyang perang pambayad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil libre naman ang serbisyo ng abogado sa ilalim ng Duty
Lawyer Scheme sa mga nangangailangan, binigyan siya ni Magistrate Jason Wan
ng pagkakataong makahingi ng payong legal.
“Karapatan mong ipagtanggol ang sarili sa isang korte,” ika ni Magistrate Wan. “Pero pinapayuhan kitang magkunsulta sa isang duty lawyer para sa iyong sariling kapakanan, lalo na kung umabot tayo sa paglilitis. Ang Duty Lawyer Scheme ay itinatag para sa mga taong walang kakayanang kumuha ng abogado.”
Pindutin para sa detalye |
Nang tanungin niya si Villaremo kung gusto niyang kumunsulta
muna sa abogado, sumagot si Villaremo ng, “Yes, sir.”
Pinagpaliban muna ni Wan ang pagdinig sa kaso habang si Villaremo ay pumunta sa opisina ng Duty Lawyers' Service.
Samantala, ang isa pang akusado sa kaso na si Romeo Miranda, 45, isang construction worker, ay nagtagumpay sa kanyang hiling na payagan siyang magpiyansa, sa halagang $5,000.
Ito ang pangatlong beses
na hiniling niya na palayain siya pansamantala para makita ang dalawang
maliliit na anak. Nabigo siya sa unang dalawang beses na pagtatangka dahil
sinalungat ito ng tagausig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Miranda ay nahaharap sa kasong wounding dahil hiniwa niya diumano ang mukha ng kapwa niya Pilipinong si Benson Jy Mateo gamit ang kutsilyo, sa gitna ng kaguluhan sa labas ng Tai Wo playground sa Wan Chai noong Oct. 9, 2022.
Si Villaremo naman ay inakusahang sinuntok ang isa pang Pilipino na si William L. Maun sa parehong insidente.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos dinggin ni Wan ang ilan pang kaso, bumalik si
Villaremo upang sabihing pinayuhan siya ng abogado niya na humingi ng anim na linggong
pagpapaliban upang pag-aralan nito ang kanyang depensa. Hiningi rin niyang
ituloy ang kanyang paglaya sa bisa ng piyansang $1,000.
Dito tumayo ang abogado ni Miranda na nagsabing hindi patas ang pagpapaliban ng kaso dahil noon pang Oktubre nakakulong ang kanyang kliyente.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Iminungkahi ng abugado
na payagang mag-piyansa ng $3,500 si Miranda sa kundisyon na ilalagak niya ang
kanyang pasaporte sa korte, magre-report nang tatlong beses isang linggo sa
Wanchai Police Station, at iiwasang makipag-ugnayan sa mga testigo laban sa
kanya.
Sinalungat ito ng taga-usig
na nagsabing mabigat ang kaso ni Miranda, at malakas ang ebidensiya laban sa
kanya.
Pero sa huli ay
nagdesisyon si Wan na payagang magpiyansa si Miranda sa halagang $5,000 at sumunod sa mga kundisyong iminungkahi
ng kanyang abogado. Itinuloy din nya ang piyansa ni Villaremo.
Itinakda niya ang
susunod na pagdinig sa May 16.
PADALA NA! |