Ang gusaling pinangyarihan ng insidente |
Isang Pilipina ang nahaharap sa kasong pagpapabaya sa batang nasa kanyang kalinga matapos mahulog ang kanyang anak mula sa tinitirhan nilang flat sa unang palapag ng isang gusali sa Sheung Wan habang naghahatid siya ng isa pang anak sa paaralan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa imbestigasyon ng pulis, naiwan ang tatlong taong
batang lalaki bandang 8am noong Martes (Feb. 21) sa kanilang tinitirhan na isang subdivided flat sa Si Toi Commercial Building sa 62 Connaught Road West.
Habang wala ang ina na 25 taong gulang at may
asawang Intsik, lumabas ng kanilang silid ang bata at umakyat sa bintanang
walang grills at saka nahulog.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isang babaeng dumaraan lamang nang mangyari ang insidente
ang agad tumawag sa 999 upang humingi ng saklolo para sa bata.
Pindutin para sa detalye |
Inabutan pa ng Pilipina ang duguang anak niya na
nakahandusay sa sidewalk, katabi ng kanyang laruang baril-barilan.
Nakitang nakahawak ang bata sa daliri ng ina habang isinasakay
ito sa ambulansiya na nagdala sa kanya sa emergency ward ng Queen Mary Hospital
sa Pok Fu Lam.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa mga report, ligtas na ang bata.
Pero ang kanyang ina ay inaresto sa kasong pagpapabaya sa anak na may parusa na hanggang 10 taong pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa report ng The Standard, ang ama ay wala sa Hong Kong.
Hindi agad sinabi kung sino ang naiwan sa dalawang bata habang
iniimbestigahan ang ina, o kung pinakawalan agad siya, kapalit ang piyansa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ito ang ikalawang insidente ng pagkahulog ng bata mula sa
isang gusali sa loob ng tatlong araw.
Nauna rito, namatay ang isang tatlong taong batang babae matapos
mahulog bandang 6pm noong Linggo (Feb. 21) mula sa kanilang bahay na nasa 8th
floor ng isang gusali sa Kwun Tong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa report, naglalaro sa isang higaan ang bata, kasama ang
kanyang ate na anim na taong gulang at pinsan na 12 taon, nang mahulog ito sa
katabing bintana.
Buhay pa ang bata nang dumating ang emergecy personnel, pero
namatay ito matapos nilang dalhin sa Queen Elizabeth Hospital sa Yau Ma Tei.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |