Ang gusali sa Wanchai kung saan nahuli ang tatlong akusado |
Pinatigil pansamantala ang paglilitis ng dalawang Pilipinang nakasuhan ng drug traficking at overstaying nang mapansin ng mahistrado sa Eastern Courts na wala silang abogado.
“Gusto ba ninyong magkonsulta nang libre sa abogado sa Duty
Lawyer Service?” tanong ni Magistrate Minnie Wat.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Parehong sumagot ng oo sina Maria Eldha Rose Cabello at
Teodora Quijano.
Pagkatapos ng mahigit isang oras ay bumalik ang dalawa at, sa tulong ng
kanilang bagong abogado, ay nag-alok ng piyansang $5,000 upang sila ay pakawalang
pansamantala.
Pero hindi sila pinagbigyan ni Magistrate Wat. Inutos niyang
ibalik sila sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig sa Mar. 22.
Pindutin para sa detalye |
Gayunman, nagtakda siya ng bail review sa Feb. 15 upang pag-usapang
muli ang kanilang hiling na magpiyansa, kung sakaling may mga pagbabago sa kanilang
sitwasyon o sa imbestigasyon ng pulis.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa nakaraang pagdinig noong Oct. 10, 2022, pinayagang magpiyansa ang kapwa nila akusadong si Sam Burcher, isang 23 anyos na Briton na kinasuhan ng possession ng droga, nang itaas niya sa $50,000 ang kanyang alok na piyansa, mula sa $5,000.
Idinahilan ni Burcher na kailangan niyang makabalik sa
United Kingdom dahil magsisimula na ang klase sa kanyang kolehiyo.
Silang tatlo ay nahuli ng pulis noong Sept. 2, 2022 sa loob
ng Hong Kong Bldg, sa Lockhart Road sa Wanchai.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sina Burcher at Cabello ay nahuli sa hagdan sa 3rd
floor ng gusali, samantalang si Quijano ay nahuli sa Room 9 ng Ming Court Guest
Hotel na nasa 2nd floor ng gusali. Habang iniimbestigahan, nalaman din
na ang dalawang Pilipina ay dating domestic helper na nag-overstay.
Kinasuhan si Burcher ng drug possession.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Quijano naman ay sinampahan ng isang kaso ng drug trafficking at breach of condition of stay–overstay dahil halos dal`awang buwan nang paso ang kanyang visa.
Basahin ang naunang report sa kasong ito: https://www.sunwebhk.com/2022/10/2-pilipinang-os-na-nahulihan-ng-droga.html
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |