Ipatutupad ang bagong patakaran sa Feb. 27. |
Lahat ng mga mag-aaply ng visa bilang residente ng Hong Kong sa ilalim ng mga programang pang-akit ng mga professional mula sa ibang bansa gaya ng Pilipinas ay kailangan nang mag-deklara na hindi sila nahatulan bilang kriminal.
Ang patakarang ito ay magsisimula sa Feb. 27.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nauna nang itinakda ang panuntunang ito para sa programang
Top Talent Pass Scheme, na naglalayong maka-akit ng mga pinakamahuhusay at
tanyag na eksperto sa noong Feb. 22.
Sa isang patalastas, sinabi ng Immigration Department (ImmD)
na sa pagdagdag ng bagong polisiya, ang mga panuntunan sa pagpapalabas ng visa
at entry permit ay patuloy na istriktong ipatutupad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga programang apektado ng bagong patakaran ay ang
sumusunod:
·
General Employment Policy
Pindutin para sa detalye |
· Admission Scheme for Mainlaand Talents and Professionals
·
Technology Talent Admission Scheme
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
·
Immigration Arrangements for Non-local Graduates,
at
·
Admission Scheme for the Second Generation of
Chinese Hong Kong Permanent Residents
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa mga programang ito, ang General Employment Policy ang may
pinakamaraming nakinabang sa mga Pilipinong dumarating sa Hong Kong upang
magtrabaho o manirahan dahil wala itong limitasyon at mas madaling ipasa ang
mga kondisyon nito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa Immigration, malamang mabigyan ng visa bilang
residente ang mga aplikanteng propesyunal kung sila ay:
·
May espesyal na kakayahan, kaalaman at karanasan
na may halaga at hindi agad makuha sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
·
May magandang edukasyon, gaya ng college degree,
pero sa ilang pagkakataon ay bibigyan ng halaga ang kanilang abiidad at
kaalaman, na suportado ng mga dokumento.
·
May pupuntahang tunay na bakanteng position.
·
May alok na trabaho mual sa isang kumpanya sa
isang posisyon hindi agad mahanapan ng tao mula sa lokal na naninirahan sa Hong
Kong.
·
Ang suweldo, titirhan, medical at iba pang
benepisyo ay kapantay ng ibinibigay sa kagayang propesyunal sa Hong Kong.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |