Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Iparehistro na ang inyong SIM card!

18 February 2023

 

May 25 na MTR station kung saan maaring magpatulong magrehistro ng SIM card

Nagpaalala ang gobyerno na ipalista na ang tunay na pangalan ng bawat gumagamit ng mga SIM card dahil hindi na magagamit ang mga ito pagkatapos ng Huwebes, Feb. 23.

Maari ding mailipat na sa iba ang numero, at kung ano mang halaga ang natitira sa load ay hindi na mababawi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Magdudulot din ito ng malaking abala kung ang numero sa SIM card ang nakalista na contact number mo sa bangko, sangay ng gobyerno na maaring tumawag sa iyo katulad ng Immigration Department o Hospital Authority. Kakailanganin mo silang lahat tawagan o sabihan ng bago mong numero sakaling mawala sa iyo ang dati dahil hindi mo naparehistro.

Pindutin para sa detalye

Ang sapilitang pagpapalista ng pangalan ng gumagamit sa bawat SIM card ay alinsunod sa patakaran na pinapapatupad na ngayon sa iba-ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Layon nito ang mapatigil sa paggamit ng hindi rehistradong numero ang mga manloloko at masasamang loob.

Pindutin para sa detalye

Ang pinakamadaling paraan para ito magawa ay sa pamamagitan ng mobile app o website ng kumpanyang nagbigay ng inyong SIM card. Maari din ninyong bisitahin ng personal ang kanilang mga tindahan kung mas madali para sa inyo ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May 25 istasyon din ng MTR at 18 opisina ng HK Post Office kung saan maaari ding magpatulong para marehistro ang inyong SIM card.

Dalhin lang ang inyong HKID card, SIM card na ipaparehistro at isang mobile phone na maaring makatanggap ng mensahe para makumpleto ang inyong pagpaparehistro.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kung gusto namang gawin ito online ay kailangan lang ipasa ang litrato ng inyong HKID card. Ulit-ulitin lang kung hindi pumasok sa website dahil malamang na hindi malinaw ang litrato kaya hindi mabasa nang maigi ang mga detalye sa card.

Magbubukas ng hanggang 7pm ang mga booth sa MTR at sa post office sa Feb 22 at 23 para sa mga maghahabol na magparehistro.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maaring magparehistro ng hanggang 10 numero ang isang tao sa bawat kumpanya ng telepono.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss