Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Umiwas sa cervical cancer, magpatingin agad

06 January 2023

 

$100 lang ang bayad para sa cervical cancer test sa mga MCHC katulad nito na nasa Yau Ma Tei

Ang Enero ay tinaguriang Cervical Cancer Awareness Month sa buong mundo ng International Agency for Research on Cancere sa ilalim ng World Health Organization, na ang layon ay tuluyan nang mawakasan ang sakit na ito bago matapos ang kasalukuyang siglo.

Sa Hong Kong, ang cervical cancer ang pampito sa pinakamalaganap na cancer sa mga kababaihan. Sa huling talaan noong 2020 ay may 550 bagong kaso nito ang nadiskubre, at 159 na kababaihan ang namatay nang dahil dito.

Ayon sa Department of Health, ang paulit-ulit na impeksyon sanhi ng human papillomavirus (HPV) ang nagsasanhi ng cervical cancer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin para sa detalye

Ang maagang pakikipagtalik, papalit-palit na ka-partner sa kama, paninigarilyo o pagbagsak ng immunity ang kadalasang nagsasanhi ng pagkapit ng HPV sa isang babae.

“Kaya dapat ay ugaliin lagi na ligtas sa peligro ang pakikipagtalik, katulad ng paggamit ng condom, pag-iwas sa pagkakaroon ng iba-ibang katalik at iwasan din ang paninigarilyo,” sabi ng DH. 

Dagdag na payo ng ahensya, ang lahat ng kababaihan na edad 25 hanggang 64 na nakaranas na ng pakikipagtalik ay dapat sumailalim sa regular na eksaminasyon para makaiwas sa cervical cancer. 

BUY NOW PRESS HERE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay dahil base sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2020, kalahati lang sa mga nasa edad na ito ang naeksamin para sa sakit.

Para sa mga gustong makapag paeksamin, maaring magpunta sa mga Maternal and Child Health Centres (MCHS), Woman Health Centres, mga NGO at mga pribabong institusyon na nagsasagawa nito.

Kung sa MCHs magpatingin ay $100 lang ang kailangang bayaran dahil suportado ng gobyerno ang kanilang serbisyo. Libre ito sa mga tumatanggap ng Comprehensive Social Security Assistance o yung mga may hawak ng Certificate for Waiver of Medical Charges.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

HOW TO AVAIL? PRESS HERE

Sa Hong Kong, ang pagbibigay ng libreng bakuna laban sa HPV sa mga kababaihang mag-aaral sa Primary Five simula noong 2019 ay nakitang epektibo para mabawasan ang pagkalat ng cervical cancer.

Nitong July 2022 ay umabot na sa 88 porsyento ng mga kababaihan sa Primary Five at 86 porsyento sa Primary Six ang nabigyan na ng bakuna kontra sa HPV.

Base sa payo ng mga eksperto, magsasagawa ang gobyerno ng karagdagang pagbabakuna sa iba pang kababaihan sa Hong Kong na edad 18 pababa ngayong 2023 hanggang 2024 para mas masiguro na ligtas sila sa sakit na ito. Ipapahayag ang mga detalye sa lalong madaling panahon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website na ito:  www.cervicalscreening.gov.hk/en/index.html.

Heto naman ang listahan ng mga MCHS at mga serbisyong binibigay nila sa publiko: https://www.fhs.gov.hk/english/centre_det/maternal/maternal.html


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss