Maaring pumirma sa petisyon para sa pagtatanggal ng OEC dito sa Chater Road |
“Isang
bangungot, dagdag-gastos at perwisyo…”
Ilan
lamang ito sa mga salitang ikinakabit ng mga militanteng migrante sa Hong Kong na
kasalukuyan ngayong isunusulong ang pandaigdigang kampanya para tanggalin ang
overseas employment certificate o OEC.
Tuwing
Linggo at piyesta opisyal ay lumilibot ang mga miyembro ng iba-ibang
organisasyon na kasapi sa United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) para
mangalap ng pirma tanda ng suporta para sa panawagan kontra sa OEC.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kabilang
sa kanila ang Gabriela Chater Road, Association of Concerned Filipinos, Filipino
Migrant Workers Union, Filipino Migrants Association at marami pang
iba.
Ayon sa
isang lider ng samahan ay nakakakalap na sila ng 2,500 lagda simula nang umpisahan
ang kampanya laban sa OEC.
Bukod
dito ay may 1,225 pang pumirma sa isang online petition na matatagpuan dito: (https://www.change.org/p/ibasura-ang-pahirap-na-overseas-employment-certificate/f)
|
Sa kanilang
istasyon sa Chater Road, Central ay nagtalumpati ang isang kasapi ng grupo noong
Linggo, Jan 29, at ipinaliwanag kung bakit dapat nang wakasan ang pag-oobliga
sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na kumuha ng OEC bago umalis
ng bansa.
Ayon sa kanya,
ang OEC ay “naging kapitan ng ibang mandatory fees.” Ibig sabihin, hindi
inaalis ng gobyerno ang OEC dahil balak nilang kabitan ito ng mga iba pang
singilin, katulad ng para sa PagIBIG, na kasalukuyan nang ipinatutupad.
Inaala
din ng nagtalumpati ang pangako ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin
niya ang OEC sa loob ng tatlong buwan- bagay na hindi niya nagawa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nanawagan
siya ng sama-samang pagkilos laban sa OEC dahil malaki daw ang maitutulong nito
para mas madaling makamit ang kanilang hiling.
Isang
halimbawa aniya ang pagpayag ng Konsulado na buksan ang pintuan nito bago mag
Pasko sa lahat ng mga may problema sa OEC, hindi katulad dati na hindi sila
inaasikaso kung wala silang appointment.
Narito
ang paliwanag ng Unifil-Migrante kung bakit nananawagan sila na tanggalin na
ang OEC:
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Sa
matagal na panahon ang OEC ay isang bangungot sa ating OFWs. Sa tuwing uuwi
tayo para magbakasyon ay pwersado tayong kumuha ng OEC, dahil kung wala tayo
nito hindi tayo makakabalik sa ating trabaho. Hindi palalabasin ng bansa ang
mga OFW na walang maipakitang OEC sa airport.
'Bangungot' sa Disyembre, nang dumagsa ang nangailangan ng OEC |
“Bakit HINDI kailangan ng mga OFW ang OEC?
1) Dagdag
gastos at perwisyo lamang ang dulot ng OEC, digital man o manual ang pagkuha.
Nauubos ang day-off sa mahabang pila at hindi makaalis sa pila para kumain at
makapunta sa CR.
2. Mayroon na tayong working visa at employment contract na validated ng POEA at verified ng POLO. Sapat na ito bilang patunay na tayo ay lehitimong OFW sa bansang ating pinagtatrabahuhan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
3. Ginagamit ang OEC para ikabit ang iba pang mandatory na bayarin gaya ng OFW compulsory insurance at Pag-IBIG. Maaari din itong ikabit kahit sa PhilHealth at SSS. Ang mga OFW sa Macau at mga nasa Pilipinas ay puwersadong bumili muna ng insurance bago mabigyan ng OEC.
4. Ito ay
pangongotong ng Gobyerno sa OFWs na tinaguriang bagong bayani. Gatasang baka
ang turing ng gobyerno sa atin, at sa halip na maglingkod, pinagkakakitaan
tayo.
5. Balon ito ng korupsyon.
Saan napupunta ang sinisingil na P100 pesos ($20 sa Hong Kong) sa bawat OFW na
lumalabas ng bansa gayung hindi naman napupunta sa serbisyo sa ating
kagalingan?
Pumirma,
suportahan, at palaganapin ang ating petisyon!
Ibasura ang
pahirap na Overseas Employment Certificate!”