Babalik sa korte ang Pilipino sa Feb. 2 para sa kanyang sentensiya |
Isang Pilipino na umaming nagnakaw ng isang iPhone 13 habang naglalaro ang may-ari nito sa isang basketball court sa Tsim Sha Tsui, ang hindi agad pinarusahan sa isang pagdinig sa Kowloon City Magistracy.
Sa halip ay inutos ni Acting Principal Magistrate Peony Wong
na gawan ng background report si C. Zulueta, 20 taong gulang, upang
malaman kung mas makabubuti sa kanya ang Community Service Order (CSO).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinagpaliban sa Feb. 2 ang pagsentensiya kay Zulueta. Nakalaya
siya nang pansamantala sa piyansang $2,000.
Ayon kay Magistrate Wong, ang pagnanakaw ay isang mabigat na
pagkakasala na karaniwan ay may parusang pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil sa edad ni Zulueta, na noon ay 19, pakikinggan
niya ang pakiusap ng abogado nito na parusahan siya nang hindi makukulong,
upang mabigyan siya ng isa pang pagkakataon sa buhay, dagdag niya.
Ayon sa Community Service Orders Ordinance, ang isang
nagkasala ay hindi ikukulong kung magbibigay ng hanggang 240 oras na serbisyo
sa komunidad sa ilalim ng pangangasiwa ng isang probation officer na magbibigay-payo
sa kanya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang layon nito, maliban sa pagbayarin sa kanyang krimen, ay
upang mabago ang kanyang pagtingin sa buhay.
Nagsimula ang kaso ni Zulueta nang kunin niya ang iPhone 13 sa
isang nakabukas na bag sa basketball court ng Hong Tat Path Garden sa Tsim Sha
Tsui noong Aug. 26, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Umamin naman siya nang mahuli ng pulis, at kasuhan ng pagnanakaw.
Sinabi ng kanyang abogado na wala sa pagkatao ni Zulueta ang
magnakaw, at nagawa lang niya ito dahil natukso.
Sinabi ng abogado na nagtatrabaho ang nasasakdal bilang assistant sa isang tindahan ng libro at kumikita ng $14,000 kada buwan, at plano
niyang tapusin ang kanyang kurso sa kolehiyo.
Sumulat na rin siya sa korte upang ipahayag ang pagsisisi,
dagdag ng abogado.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |