Kasama ng Pilipina nang umalis siya sa korte ang mga kumupkop sa kanya |
Isang Pilipinang domestic helper ang nakaiwas sa pagkabilanggo ngayon kahit inamin niyang pinalo niya ng chopstick ang kanyang alagang bata na limang taong gulang.
Sinentensiyahan ni Magistrate Edward Wong ng Eastern
Magistracy si J. Pinca, 39 taong gulang, ng 10 araw na pagkakakulong
pero inutos rin niya na ito ay isuspinde.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Binalaan ni Magistrate Wong si Pinca na huwag nang lalabag
sa batas sa loob ng isang taon, kung hindi ay itutuloy ang pagpapakulong sa
kanya, dagdag pa ang parusang ipapataw para sa bago niyang kasalanan.
Kinasuhan si Pinca ng pananakit sa panganay sa dalawang
batang alaga niya noong July 13, 2022, sa bahay ng mga amo niya sa Tin Wan,
Hong Kong.
|
Ayon sa salaysay na binasa sa kanya, pinalo niya ng
chopstick ang bata sa ulo dahil ayaw nitong kumain ng hapunan na inhain niya.
Nagsumbong ang bata sa mga magulang niya, kaya tumawag sila
ng pulis kinabukasan at, matapos nilang makita sa CCTV ang nangyari, siya ay
inaresto.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi ng kanyang abogado na nagsisisi siya sa kanyang
ginawa, na ang dahilan ay silakbo ng damdamin dahil gusto niyang matapos nang maghapunan
ang mga bata upang magawa pa niya ang iba pang trabaho sa bahay.
Humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang mga amo.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Iminungkahi ng abogado na parusahan si Pinca ng suspendidong
sentensya, dahil ang kawalan ng trabaho mula nang sya ay maaresto ay malaking parusa
na para sa kanya.
Ayon sa kanya, si Pinca ay may asawang tricycle triver at
dalawang anak sa Pilipinas na umaasa sa kanyang padalang pera.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagsimula ang parusa ni Pinca sa 15 araw, pero dahil sa
kanyang pag-amin ay binawasan ito ni Wong ng 1/3.
Nang matapos ang pagdinig ay sinamahan siyang lumabas sa
korte ng mga kinatawan ng isang NGO (non-government organization) na siyang
nagbigay sa kanya ng matitirhan habang dinidinig ang kanyang kaso.