Ni Daisy CL Mandap
Ang nawawalang bag ni J Palomar ay nakita 9 na araw matapos siyang dumating sa HK |
Sirang sira ang bagong taon ni J Palomar dahil hindi
dumating sa Hong Kong kasabay niya ang maleta niyang isinakay sa eroplano ng
Cebu Pacific mula pa sa Iloilo noong Dec. 31.
Agad niya itong nireklamo sa Hong Kong International
Airport pagdating pero hindi agad nalaman kung ano ang nangyari sa kanyang
maleta.
BUY NOW PRESS HERE |
Nitong January 6 ay humingi na siya ng tulong sa The
SUN dahil lagi na lang daw sa “live chat” ng Cebu Pacific sa internet siya
pumapasok tuwing magtangka siyang magtanong tungkol sa nawawala niyang bagahe,
at “wala naman daw silang magagawa,” sabi niya.
“Ano po kaya ang gagawin ko?”, daing niya. “Stressed
na stressed po ako sa mga gamit ko sa bagahe ko.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Mga personal na gamit daw ang karamihan sa laman ng
maleta niya. “Hindi naman kamahalan pero nanghihinayang pa rin ako,” dagdag
niya.
Isang linggo din daw siyang hindi makatulog nang
maayos dahil tuwing may gusto siyang gamitin at maalala niyang nasa maleta niya
iyon ay napapaiyak siya dahil naiisip niyang madami na naman siyang kailangang
bilhin ulit.
Ang mas ikinasasama niya ng loob ay ni wala man lang daw
taga Cebu Pacific ang agarang sumagot sa kanya gayong isang linggo mahigit nang
nawawala ang gamit niya.
Agad namang isinulat ng The SUN sa Cebu Pacific ang
tungkol sa reklamo niya, at pinayuhan siyang pumunta sa assistance to nationals
section ng Konsulado para din magpatulong. Ayon kay Palomar, agad din daw nag
email ang Konsulado sa airline para I follow-up yung kaso niya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Kanina, pagkatapos ng siyam na araw na puno siya ng
agam-agam, ay nakatanggap rin sa wakas si Palomar ng sagot mula sa Cebu Pacific,
na may kalakip na litrato ng nawaglit niyang bagahe.
Sabi sa kanilang email: “We found one tagoff baggage
in Manila possible belongs to you (sic). Please refer to photo below for your
reference.”
HOW TO AVAIL? PRESS HERE |
“Please inform us if confirm this bag belongs to you
and we would inform Manila send to Hong Kong.”
Walang paumanhin na kalakip ang mensahe, at lalong
walang alok na bayaran siya sa aberyang idinulot ng pagkawala ng kanyang bagahe,
hindi katulad sa ibang kumpanya na agad na humihingi ng dispensa sa ganitong
mga sitwasyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Napag-isip tuloy si Palomar na manghingi ng danyos sa airline lalo na nang may mabasa siya na kapag lumampas sa 24 oras na di naibabalik ang bagahe ay dapat siyang bayaran.
Pero sa ngayon, ang mahalaga sa kanya ay maibabalik na ang kanyang nawaglit na maleta.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |