Si Albuero matapos sunduin sa Eastern Court. (Photo: Mission for Migrant Workers) |
Muntik nang maibalik sa kulungan ang isang Pilipina na inakusahan ng pagnanakaw dahil wala siyang dalang pampiyansa - mabuti na lang at agad na sumugod sa korte kahapon ang isang opisyal ng Mission for Migrant Workers, at inilagak ang karampatang halaga.
Dahil dito ay agad na pinakawalan si Jhelica Albuero, 27 taong gulang, na hinuli ng mga pulis noon pang Jan. 16 matapos ireklamo ng kanyang amo ng pagnanakaw ng kanyang Apple earphone na nagkakahalaga ng $145 sa kanilang bahay sa Victoria Road sa Sai Wan.
Nang dinggin ang kanyang kaso ay pinayagan siya ng mahistrado na magpiyansa ng $1,000 nguni't $70 lang ang kanyang dalang pera.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sumugod ang case officer ng Mission na si Buhay Bangcawayan sa korte
matapos makatanggap ang tawag kay Albuero, na isang buwan pa lang sa Hong Kong.
Nakipag-usap si Bangcawayan sa case officer ng Duty Lawyer
Service, naglagak ng $1,000 sa cashier ng korte, at nagpunta sa holding area
ng mga pulis na maglilipat sana kay Albuero sa kulungan ng mga babae sa Tai Lam.
Pindutin para sa detalye |
"Salamat po nasagot ninyo ang tawag ko," ani Albuero sa isang Facebook post na inilabas ng Mission.
Kung hindi ay ibinalik sana siya sa Tai Lam upang ikulong hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso sa Feb.
20, dagdag niya.
Matapos ilagak ang piyansa ay sinamahan ni Bangcawayan si Albuero sa Bethune House Migrant Women's Refuge upang doon muna tumira habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.
Ayon kay Albuero, tumawag din siya sa hotline ng Konsulado pero nagri-ring lang ito at walang sumasagot.
Umani ng komento laban sa Konsulado ang Facebook post, gaya
ng mga ito:
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Lea Abriol: Mga
empleyado ng consulate dpat lahat mapalitan Ang tataray at mga suplado imbes
tulungan ka parang ida down ka pa discrimination cla
Ro Xa Ne: Same experience. Mission For Migrant Workers din una sumagot sakin noon and agad nag response. Ending nalang nagfeedback ang Consulate, pero thank you pa dn sa help. Shout out to Ms Phoebe of Mission, Sya nag asikaso sakin noon, sobrang bait❤
️
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Liza Cañete Anito:
What's the use of giving a contact number of a certain government sector if
it's unreachable??? Ohhh well baka nga display lang yun🙄🙄
dapat nga 24/7 Sila naka alalay sa mga ofw kaya nga Sila nilagay Jan... Oh baka
Naman sahod itself lang talaga habol nila not including service..
Sumagot naman si Consul
General Raly Tejada: “91554023 po ang Hotline ng Consulate nakaantabay po
kami lagi sa tawag nyo. You can also reach me on messenger po.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isa sa mga sumagot sa kanya ay si Anna Marie Tanilon Carlos, na nagsabing: “Mas maigi nlng po mg
direct mg message o tawagan si sir Raly Tejada... mga empleyado sa consulate
karamihan matataray.”
Basahin ang dagdag na detalye ng kasong kinakaharap ni Albuero sa naunang balita tungkol
dito: https://www.sunwebhk.com/2023/01/pilipina-hindi-pinalaya-dahil-kinulang.html
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |