Itutuloy sa Eastern Courts ang kaso ng Pilipina sa Pebrero |
Patong-patong na asunto ang kinakaharap ng isang Pilipina dahil sa pagkakahuli niya sa isang raid ng mga pulis sa kainan na kanya diumanong pinatatakbo sa Li Yuen West sa Central, na kilala bilang “ale-ale”.
Sinampahan ng
limang kaso si Mary Jane Batalla sa Eastern Court, pero ipinagpaliban ni Magistrate
Jason Wan ang pagpapatuloy ng pagdinig sa ika-8 ng Pebrero dahil sa hiling ng
taga-usig ng dagdag na panahon para sa konsultasyong legal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinakawalan
si Batalla, 52 taong gulang at aplikante sa non-refoulement o pagpigil sa gobyerno
sa puwersahang pauwiin siya sa Pilipinas, sa piyansang $1,000.
Ang unang
kaso ni Batalla ay ang pagtitinda ng alak nang walang lisensiya, na ipinagbabawal
ng Dutiable Commodities (Liquor) Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli diumano siya
sa gawaing ito, noong Aug. 19, 2022 sa 8th floor ng Fai Man Bldg.
Kinasuhan din
siya ng pagkakaroon ng ipinagbibiling alak, na paglabag din sa naturang batas.
BUY NOW PRESS HERE |
Inakusahan din siya na ang nagpapatakbo ng kainan nang walang karampatang pahintulot kaya kinasuhan siya ng paglabag sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong
bilang turista, na labag sa Immigration Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang hanapan
siya ng mga dokumento, nalaman din na siya ay overstaying. Dumating siya sa Hong
Kong bilang turista at pinayagan lamang siyang maglagi dito ng hanggang July 7,
2008, pero hindi siya umalis sa Hong Kong hanggag mahuli noong nakaraang Agosto.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
At dahil
bukas ang kainan sa oras na dapat ay sarado ito, kinasuhan din si Batalla ng paglabag
sa Prevention and Control of Disease Ordinance (Requirements and Direction)
(Business and Premises) Regulation.
HOW TO AVAIL? PRESS HERE |
Noong Dec. 16, 2022, isang Pilipina ang ikinulong ng 10 linggo matapos mahatulang nagkasala sa limang kaparehong kaso na isinampa sa kanya sa Eastern Magistracy.
Napatunayang nagkasala si Mary May Soriano dahil sa pagtitinda
ng alak nang walang lisensiya, pagkakaroon ng alak na pambenta nang walang
lisensiya, paglabag sa panuntunang ipinatutupad noon laban sa pagkalat ng
Covid-19 dahil nanatiling bukas ang kainan lampas sa 10pm na itinakdang oras ng
pagsasara, ang pagpayag niyang magkumpulan nang illegal ang mga tao sa lugar na
kanyang pinatatakbo, at pagtatrabaho nang ilegal dahil ayon sa Immigration
Ordinance ay bawal magtrabaho o magtayo ng negosyo ang isang turistang gaya
niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli si Soriano at isa pang Pilipina noong March 13, 2021 sa Room 203 ng Fai Man
Bldg., sa isang raid ng mga pulis kaugnay ng kampanya ng gobyernong Hong Kong
laban sa ilegal na pagtatrabaho.
Nahatulan ni Magistrate Edward Wong noong Nov. 30 na nagkasala si Soriano sa lima sa siyam na paratang sa kanya, pero pinawalang sala ang isang kapwa niya Pilipina na nahuli din sa parehong raid.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |