Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, pinawalang-sala sa kasong pananakit sa alaga

12 January 2023

 

Si Rizalee Oyson kasama ang kanyang abogado at si Edwina Antonio, ang kanyang case officer

Pinawalang sala ngayon ang isang Pilipina sa kasong pananakit ng alaga niyang apat na taong gulang na babae dahil sa pagdududa ng mahistrado na siya nga ang nagsanhi ng mga sugat nito sa ari.

Napaiyak si Rizalee Oyson nang marinig ang hatol ni Magistrate Kestrel Lam sa Kowloon City Magistracy. Ang mga magulang ng bata na dati niyang mga amo ay tumayo sa kinauupuan at tahimik na lumabas ng korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang matapos ang pagdinig ay lumapit si Oyson sa abogado niyang si Moses Kong upang magpasalamat, at yumakap kay Edwina Antonio, ang case officer na tumutok sa kaso niya para sa Mission for Migrant Workers at executive director ng Bethune House na kumupkop sa kanya sa mahigit isang taon na dinidinit ang kanyang kaso at wala siyang trabaho.

Nagsimula ang kaso ni Oyson noong Nov. 19, 2021 nang biglang umiyak ang alaga niya at nagreklamong masakit ang ari habang pinaliliguan niya sa bahay nila sa Tseung Kwan O.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tumawag ng pulis ang ina at sinampahan siya ng pulis ng kasong pananakit sa batang alaga niya, na paglabag sa section 27(1) ng Offences Against the Person Ordinance.

Sa kanyang hatol, sinabi ni Magistrate Lam na pinakinggan niya ang mga testimonya ng bata, ina nito at tatlong doktor na gumamot dito, pero hindi siya napaniwala na si Oyson nga ay may sala.

BUY NOW PRESS HERE

Halimbawa, ang pinaka-importangeng testigo – ang bata – ay nagbigay ng pabago-bagong testimonya, ayon sa kanya.

Noong una ay itinuturo niya sa Oyson na siyang nanakit sa kanya, pero inamin rin niya na kumakati ang kanyang ari dahil masikip ang kanyang panty at kinakamot niya ito. Sinabi ni Lam na maaring ang sugat nito sa ari ay dahil sa pagkakamot ng bata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa ilang tanong sa kanya na maaaring magpahamak kay Oyson, gaya ng kung paano nagkasugat ang kanyang ari, ang sagot lang ng bata ay “no idea”, ayon kay Lam.

Nang tanungin naman siya kung saan nangyari ang pananakit, sinabi ng bata na sinaktan siya habang nasa paaralan, ayon kay Lam.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero pinansin ni Lam na ang kasama ng bata sa paaralan ay ang driver ng pamilya na naghahatid-sundo sa kanya.

Kahit ipagpalagay pa na si Oyson nga ang nanakit, dagdag ni Lam, ang mas malamang na konklusyon ay aksidente ang nangyari at hindi sinadya.

HOW TO AVAIL? PRESS HERE

“Ito na ang pinakamasayang birthday ko,” ika ni Oyson, na ang ika-40 taong kapanganakan ay kahapon.

Sinabi naman ni Antonio na dahil tapos na ang kaso, pwede nang lumipat si Oyson sa kanyang bagong amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

“Ipinaglaban namin sa Immigration na dahil hindi pa tapos ang kaso, dapat payagan siyang mag-process ng papeles niya,” dagdag ni Antonio.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss