Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, hindi pinalaya dahil walang $1k para sa piyansa

19 January 2023

 

Natugunan na ang iba pang kondisyon ng korte, hanggang madako sa piyansa ang usapan.

Hindi pinakawalan ang isang Pilipina ngayon kahit pinayagan siyang magpiyansa ng $1,000 sa pagdinig ng kanyang kasong pagnanakaw sa Eastern Courts.

Ang dahilan: may $70 lang sa bulsa si Jhelica Albuero, 27 taong gulang at isang domestc helper.

Hiningi ng abogado niya na pakawalan muna siya, dahil may makukuha pa siyang $1,000 sa kanyang maleta na naiwan sa bahay ng kanyang amo sa Victoria Road, Sai Wan, nang siya ay arestuhin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero iginiit ni Principal Magistrate Ivy Chui na kailangang bayaran muna ni Albuero ang piyansa bago siya pakawalan.

Ito na sana ang huling balakid sa kanyang paglayang pansamantala.

Inakusahan si Albuero ng pagnanakaw sa kanyang among lalaki ng isang pares ng earphone na nagkakahalaga ng $145, sa hindi binanggit na petsa ngayong Enero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang kanyang amo ang saksi laban sa kanya.

Nauna rito, sinabi ng abogado ni Albuero na inilagak na niya ang kanyang pasaporte sa korte, upang masiguro na hindi siya lalabas ng Hong Kong hanggang matapos ang kaso.

Nakakita na rin siya ng matutuluyan, kung saan siya ay mapapadalhan ng subpoena, dahil inalok siya ng isang charity na tumira sa kanilang boading house nang libre.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nakahanda rin siyang mag-report sa istasyon ng pulis sa Central isang beses isang linggo, ayon sa abogado.

Dahil wala siyang nakahandang $1,000 ay hindi agad siya napakawalan.

Pero dahil na rin sa utos ni Magistrate Chui, agad naman siyang pakakawalan kung may magandang-loob na tumulong sa kanyang mapunuan ang kondisyon ng korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda ni Chui sa Feb. 20 ang susunod na pagdinig ng kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss