Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pandaigdigang kampanya para tanggalin ang OEC, ikinasa

16 January 2023

 The SUN

Naging tagapagsalita sa pulong ang pinuno ng Migrante International na si Joanna Concepcion

Nagkaisa ang mga lider ng 38 organisasyon ng mga migranteng manggagawa na nagpulong kahapon sa St John’s Cathedral sa Central na isulong ang pandaigdigang kampanya para tanggalin na ang overseas employment certificate (OEC) na matagal nang nagpapahirap sa mga OFW.

Naging tampok sa “Leaders’ Kapihan” sina Joanna Concepcion, tagapangulo ng Migrante International at Edwin dela Cruz mula sa International Seafarers Action Network.

Naging tampok na usapin ang OEC at mga bayarin na pwersahang pinapataw sa mga OFW, gaya ng PhilHealth, Pag-IBIG, SSS, mandatory insurance, at gayon din ang hindi pagtupad ng Overseas Workers Welfare Administration na bigyan ng cash assistance ang lahat ng mga OFW na nagka Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang kagyat na aksyon ay nagkaisa ang mga lider na palaganapin pa sa ibang bansa ang kampanya para sa pagbasura sa OEC na inumpisahan na sa Hong Kong.

Layon ng grupo na makakalap ng 40,000 katao na pipirma sa panukala na ipapadala sa Migrant Workers Office (dating Philippine Overseas Labor Office), Kongreso at Department of Migrant Workers. Kapag naabot na ang target na bilang ay hihingi ng diyalogo ang grupo sa DMW Secretary Susan Ople para ibigay ang listahan at talakayin na rin ang iba pang maiinit na usapin na may kinalaman sa mga OFW.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasabay nito ang paglulunsad ng mas maraming talakayan at kilos-protesta katuwang ang iba-ibang grupo para palaganapin pa ang mga kaalaman tungkol sa mga usaping pang OFW.

Nagkasundo din ang mga dumalo na gumawa ng sulat na nanghihingi ng kapatawaran para kay Mary Jane Veloso na kasalukuyan pa ring nakapiit sa Indonesia dahil sa pagtutulak diumano ng droga, para mapauwi na siya sa Pilipinas. Iaabot ang sulat sa kinatawan ng Indonesian Consulate.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Naging dagdag-kaalaman sa marami ang iba-ibang isyu na hinaharap ng mga Pilipinong naglalayag, o seafarers, na tinalakay  ni Dela Cruz na isang abugado.

Kabilang dito ang blacklisting sa mga seaman para di na sila makasakay ng barko, at ang kawalan ng sahod o allowance para sa bagong pasa na seaman na sumasakay ng barko para magkaroon ng karanasan sa pagsakay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isa sa mga dumalo si Aleng Marina na galit na nagkuwento kung paano pinagkakakitaan ang kanyang anak at iba pang estudyante ng marino dahil sa paulit ulit na pagpaparating sa kanila ng mga barko bago sumakay, at paulit-ulit na pagsasanay at paggasta kahit walang katiyakan sa pagsakay.

Bandang huli ay nagkasundo ang lahat na ang lahat ng mga problema at isyu ng mga migrante ay kayang masolusyonan kung magpapatuloy ang paglalantad at paglaban sa kawalang-aksyon at kapabayaan ng pamahalaan ng Pilipinas.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss