Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paalala ng Konsulado: Balik sa dati ang mga patakaran sa kontrata simula May 1

22 January 2023

 

Ang abiso ng Konsulado tungkol sa pagbabalik sa normal ng mga patakaran para sa mga FDH

Nagpalabas ng paalala ang Konsulado na ang dating anim na buwang palugit o extension na binibigay sa mga kontratang magtatapos na, ayon sa dating pinahigpit na patakaran dahil sa pandemya, ay hindi na igagawad simula sa Mayo 1.

Ibig sabihin nito, kailangang pumirma na ng bagong kontrata ang employer at ang foreign domestic helper o putulin na ang kanilang ugnayan pagkatapos ng petsang ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Katulad ng dati, maari silang humiling na i-extend ang kanilang kontrata pero hindi na maaring lumampas pa ito ng isang buwan.

Pero kung ang kontrata ay magtatapos sa Abril 30 o mas maaga ay maaari pa ring hilingin ang dating binibigay na anim na buwang extension.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay alinsunod sa pagluluwag ng halos lahat ng mga patakaran kontra pandemya sa Hong Kong, na nangahulugan na hindi na mahirap pang makauwi ang isang FDH pagkatapos ng kanyang kontrata, at hindi na rin mahihirapang pumunta dito ang mga nasa kani-kanilang bansa pa pero nabigyan na ng visa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa mga nabigyan naman ng permiso na hindi muna uuwi sa loob ng isang taon matapos ang kanilang kontrata, maari silang humingi muli ng extension kung ang huling araw ng kanilang visa ay tatapat sa April 30 o mas maaga pa.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero kung ang extension na binigay sa kanila noon ay matatapos sa May 1 o lampas sa petsang ito, kailangan na nilang umuwi o mag-exit sa loob ng itinakdang panahon dahil hindi na sila muling bibigyan ng palugit para makapanatili sa Hong Kong.

Dagdag pa ng Konsulado sa kanilang pahayag, alinsunod sa patakaran ng Hong Kong, ang mga FDH na magtatapos ng kanilang kontrata ay kailangang umuwi muna sa kanilang bansa bago mag-umpisang magtrabaho sa ilalim ng bagong kontrata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga na-terminate naman ay kailangang umuwi sa loob ng 14 araw pagkatapos putulin (nila o ng kanilang employer) ang kanilang kontrata.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss