Pinapaalalahanan ang mga may edad na iwasan ang lumabas ng bahay (File) |
Nagpalabas ng paalala ang Centre for Health Protection sa lahat, lalo na ang mga may edad at sakit, na pag-ibayuhin ang pag-iingat ngayong lumamig na naman ang panahon.
Ayon sa Hong Kong Observatory, mananatili sa pagitan ng 10 at 15 degrees ang temperatura ngayong araw ng Miyerkules, at makulimlim ang paligid.
Aaraw nang bahagya sa Biyernes, pero muling babagsak ang temperatura sa 11-17 degrees sa Sabado at Linggo, bago unt-unting tataas sa mga darating na araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi ng CHP, mas kakaunti ang taba sa ilalim ng balat ng mga may edad kaya madali silang ginawin at hirap maprotektahan ang sarili sa lamig.
Bukod dito, marami sa mga may edad ang hirap nang gumalaw kaya hindi na nila mapainit ang katawan sa pamamagitan ng paglalakad at pagkikilos.
Sa mga may sakit naman katulad ng hypertension, diabetes o endocrine disorder, ang pagbagsak ng temperatura ay maaring magdulot ng seryosong kumplikasyon kaya kailangan nilang manatiling nakabalot at umiwas na mabilad sa lamig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Para sa karagdagang pag-iingat, lalo na ng mga may edad at maysakit, ito ang mga payo ng CHP:
* Alamin lagi ang sitwasyon ng panahon, at magbalot nang husto. Gumamit ng sombrero, scarf at guwantes kung kinakailangan;
* Kumain nang sapat para hindi madaling ginawin;
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
* Mag ehersisyo o gumalaw-galaw para dumaloy nang normal ang dugo at uminit ang katawan
* Manatili sa loob ng bahay hanggat maari at kung kailangang lumabas ay huwag mamalagi sa mga bukas at mahangin na lugar
* Ingatan ang paggamit ng heater, at siguraduhing may bukas na lagusan ng hangin sa loob ng bahay
* Magpatingin kaagad sakaling sumama ang pakiramdam
* Iwasan ang pag-inom ng alcohol dahil mas nakakalamig, imbes makapag painit ito ng katawan
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dagdag pa ng CHP, kailangan ding siguraduhin na ligtas ang mga sanggol sa pamamagitan ng tamang pagpapainit sa kuwartong kanilang tinutulugan, at sapat at angkop ang mga pinapasuot na panglamig sa kanila.
Nagpaalala din ang CHP na magpabakuna laban sa trangkaso ang mga edad 6 na buwan pataas para maiwasan ang mga mas malalang sakit o kumplikasyon dulot ng taglamig.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa hotline ng Department of Health, 2833 0111 o bisitahin ang mga ito: CHP's website at Facebook Fanpage.
Para naman sa pinakahuling balita tungkol sa panahon, tumawag sa 1878 200 o bisitahin ang website of the Hong Kong Observatory o ang page on Weather Information for Senior Citizens.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |