Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga may Covid, di na kailangang mag isolate simula bukas

29 January 2023

 

Uumpisahan na ring ilikas ang mga naka-isolate sa Penny's Bay at Kai Tak

Simula bukas, Jan 30, ay hindi na kailangang manatili sa loob ng bahay o quarantine facility ang sino mang magpositibo sa Covid-19.

Hindi na rin sila kailangang mag antigen test hanggang makakuha ng dalawang magkasunod na negatibong resulta, at i-report ito sa gobyerno para sila payagang makalabas muli.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay alinsunod sa utos ng gobyerno na inilabas noong Jan. 19, na nagsabi din na ang mga may Covid ay maari nang pumasok sa sa trabaho basta walang sintomas.

Isang malaking hakbang ito tungo sa pagbabalik sa normal ng buhay sa Hong Kong, na isa sa pinakahuling lugar na nagluwag ng mga patakaran kontra sa pandemya.


PINDUTIN PARA SA DETALYE
Ang tanging natitirang paghihigpit ngayon ay ang utos na magsuot ng mask kapag nasa pampublikong lugar, liban na lang kung kumakain o umiinom, nag eehersisyo, o nagpapakuha ng litrato o nagto toast ng alak sa entablado.

Kasabay ng pagpapatupad ng patakaran, sisimulan nang ilikas ang may 500 katao na naka isolate ngayon sa Penny’s Bay at Kai Tak.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa gobyerno, maari pa ring humiling ang mga residente na magpositibo sa Covid na ilipat sila sa isang isolation facility, pero hanggang pitong araw na lang sila maaring manatili doon. Kailangan din na positibo pa rin ang resulta ng kanilang test bago sila patuluyin doon.

Ang sino mang magka Covid ay pinapayuhan na mag doble-ingat para hindi makahawa. Iwasan ang makisalamuha sa ibang tao nang walang suot na mask, panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, at buksan ang mga bintana para makalabas-pasok ang hangin.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kung may edad ang magkasakit, o may maramdamang sintomas katulad ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga, pagsusuka o pagtatae, kumunsulta agad sa doktor at iwasan ang lumabas ng bahay.

Kailangan ding magsuot ng mask sa loob ng limang araw pagkatapos magpositibo, iwasang lumapit sa mga may edad o maysakit, at dumalo sa malakihang pagtitipon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kung kailangang lumiban sa trabaho, pumunta sa doktor at humingi ng sick leave certificate.

Sa kabila ng pagluluwag ng patakaran, sinabi din ni Health Secretary Lo Chung-mau na hindi dapat hinahalintulad ang Covid sa ordinaryong trangkaso dahil mas lubhang nakakahawa ito, at nakakamatay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss