Mahamog na sa Sai Kung. (HK Observatory photo) |
Kung medyo uminit at maalinsangan sa mga nakaraang araw, bukas (Linggo) naman ay babalik ang maginaw na umaga, ayon sa Hong Kong Observatory.
Ang paglamig
ng panahon ay dahil sa pagbaba pa-timog ng cold front na nasa kalagitnaan ng Guangdong,
papunta sa mga baybaying lugar na gaya ng Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang
maaliwalas at maaraw na papawirin ay mapapalitan din ng maulap na panahon, na
may manaka-nakang pag-ulan.
Mapapansin ng
mga sumasakay sa ferry na magiging mas mabagal ang biyahe nila.
Ito ay dahil
nag-abiso ang Marine Department sa mga kapitan ng barko na bagalan ang kanilang
sasakyan upang makaiwas sa aksidente.
|
Magiging
mahamog ang kapaligiran kaya dalawang milya na lang ang layo bago magkakitaan ang
mga barko sa laot, dagdag nito.
Ayon din sa Observatory,
bababa sa 13 degrees Celsius ang temperatura sa umaga bukas, na bababa pa
hanggang 11 degrees sa susunod na tatlong araw, o hanggang Miyerkules.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Magsisimulang umaraw ulit sa Huwebes, kaya ang tempertura ay tataas sa 14 degrees. Magging ganito
ang inaasahang panahon hanggang sa susunod na Lunes.
Ang bugso ng
hangin, na magmumula sa hilaga, ay lalakas din.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Samantala, ang
Centre for Health Protection (CHP) ng Department of Health (DH) ay nagbabala na
ang malamig na panahon ay kalimitang nagpapasimula o nagpapalubha ng sakit,
lalo na sa mga matatanda.
Ito ang pinayo
nga CHP, lalo na doon sa mga may pangmatagalang sakit:
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
- Laging magsuot ng makapal na damit.
- Kumain nang sapat, dahil nakadadagdag ito sa init ng katawan.
- Mag-ehersisyo nang regular upang mas malakas dumaloy ang dugo at mapa-init ang katawan.
- Maglagi sa mga lugar na may tamang init at huwag magpatagal sa labas.
- Gumamit ng heater kung kailangan pero siguruhing maayos and bentilasyon sa bahay.
- Magpatingin agad sa doctor kung may dinaramdam.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |