Hindi napasama sa eroplanong sinakyan ni Elsa Faye noong Jan 4 ang kanyang maleta |
Umabot na sa 12 araw na nawawala ang bagahe ng isang Pilipinang
domestic helper na dumating sa Hong Kong sakay ng Cebu Pacific mula Tuguegarao
at Maynila noon pang Jan. 4.
Ayon kay Elsa Faye Agoncillo, nagreklamo siya agad sa
Hong Kong International Airport tungkol sa nawawala niyang maleta, at ang sabi
sa kanya ay hindi ito dumating kasabay niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tumawag din siya sa Ninoy Aquino International Airport
sa Maynila, at pati sa opisina ng Cebu Pacific, ngunit wala daw makapagsabi sa
kanya kung nasaan na ang kanyang bagahe.
“Inip na po ako sa kahihintay kasi mga importanteng
gamit ko ang nandun, lalo na ang mga damit ko,” ani Agoncillo.
Sa tantiya niya, aabot sa $8,000 ang kabuuang halaga
ng nawala sa kanya dahil bago ang kanyang maleta, at maraming mga damit niya
ang mga nandoon, kasama ang mga binili ng kanyang amo na “lulu” ang tatak.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Marami po akong damit dun…ala na nga akong susuutin
(dahil) konti lang ang iniwan ko dito,” dagdag niya.
Sa kanyang huling pakikipag-usap sa mga taga NAIA ay
sinabihan daw siya na babayaran na lang ang mga nawala niyang gamit dahil
lumampas na sa taning na pitong araw ang kanyang paghihintay.
Ang hindi lang malinaw ay kung sino ang mananagot sa
kanyang mga nawalang gamit. Ang sabi sa Maynila ay itatawag nila sa Hong Kong
airport ang tungkol dito, pero hindi pa rin tinukoy kung sino ang dapat niyang
habulin para sa kabayaran.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa website ng Cebu Pacific, ang mga bagahe nila
ay naka insure sa Travel Sure, kaya mag-aalok sila ng kabayaran para sa
pagkawala o pagkasira ng maleta na isinakay sa kanila.
Aabot daw sa Php200,000 ang maari nilang bayaran sa
pasahero na nawalan ng bagahe, o hanggang Php40,000 naman sa nasirang maleta.
Ang ganitong insurance ay para daw sa lahat ng
kanilang mga pasahero na bumibiyahe palabas ng Pilipinas, South Korea, Japan,
Taiwan o Macau, pero walang binigay na detalye kung saan, o paano maningil para
sa danyos na ito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Hindi ito ang unang kaso ng isang Pilipinong OFW na
nawalan ng maleta kamakailan pagkatapos magbiyahe papunta ng Hong Kong.
Noong Dec 31 ay may isang Pilipina na wala ding kasamang
maleta nang dumating.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inabot ng siyam na araw at masigasig na
pakikipagtalastasan bago nakatanggap ang Pilipina ng mensahe na nakita na ang
kanyang bagahe sa Maynila.
Ayon sa mensahe ng airline, wala na daw kasing tag ang
maleta kaya hindi nila alam kung saan dapat isasakay.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |