Isang domestic helper na kinasuhan ng pagnanakaw ng 25 alahas ng kanyang amo ang tumanggi sa akusasyon sa isang pagdinig ngayon sa Shatin Magistracy.
Ang dahilan ni Marivic Hitalia, 35 taong gulang na Pilipina, ay
lima lang sa 25 ang inamin niyang ninakaw niya sa kanyang among taga-Ma On Shan
sa Shatin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa reklamo ng pulis, naganap ang nakawan sa pagitan ng Aug.
2022 at Oct. 28 noong nakaraang taon sa bahay ng amo ni Hitalia.
Itinuro siyang nagnakaw ng pitong gintong kuwintas, 14 na gintong
pulseras, tatlong gintong singsing, at isang gintong hikaw, na pag-aaring lahat
ng kanyang among babae.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dahil sa kanyang “not guilty plea”, itinakda ni Magistrate
David Chum ang paglilitis ng kaso sa May 19 at 22.
Tinanggap din niya na ang mga abogadong nagtatanggol kay
Hitalia ay maghaharap ng pitong testigo para sa kanya, apat na interpreter, at
isang pitong minutong video na kuha sa isang sanglaan na pinagdalhan ng mga ninakaw
na alahaas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil hindi hiningi ni Hitalia na payagan siyang mag-piyansa
upang makalaya habang naghihintay ng susunod na pagdinig, ibinalik siya sa
kulungan.