Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Balik-Macau ang mga Pinoy

15 January 2023

 The SUN

Inimbitahan ng Macau ang mga travel agent sa HK para tumulong magpasok ng mga turista

Ngayong tinanggal na ng Macau ang mga mahigpit na patakaran kontra Covid para sa mga bisita mula sa Hong Kong ay nag-umpisa na muling dumagsa doon ang mga Pilipino, lalo na tuwing Linggo na araw ng pahinga ng karamihan sa mga migranteng manggagawa dito.

Kadalasan, iisa ang kanilang tanong – maari na ba muling mag "exit" doon ang mga foreign domestic helper?

Sagot ng isang grupo ng mga Pilipina na bumalik sa Hong Kong galing ng Macau nitong Linggo, Jan. 15: “Oo at hindi.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Paliwanag ng isa sa grupo, may kasama silang tinatakan ng “journey completed” ang pasaporte dahil malapit nang matapos ang isang taong palugit na binigay para sa kanyang employment visa. Ibig sabihin, maari siyang hindi na muna umuwi bago matapos ang ikalawang taon ng kanyang kontrata.

Ayon sa sinuwerteng Pilipina, hindi naman sa ayaw niyang umuwi ng Pilipinas kundi gusto niyang piliin ang mga araw ng kanyang pagbabakasyon doon. Kung umuwi daw siya ngayon ay malamang na hindi na siya payagan ng kanyang employer na bumalik sa Pilipinas para sa importanteng okasyon na pinaghahandaan niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May isa naman sa kanilang bigo na makuha ang kaparehong tatak sa kanyang pasaporte. Kasi naman ay may bisa pa ang kanyang visa hanggang sa darating na taon, kaya malaki pa ang tsansa na makauwi siya, at matatakan ng tama ang kanyang pasaporte.

Sa mga gusto namang ma-extend lang ang kanilang visa para mas magkaroon sila ng oras na lumibot o makahanap ng bagong amo matapos silang ma-terminate, nasa Immigration officer pa din na sasalubong sa kanila pagbalik sa Hong Kong ang desisyon, sabi ng grupo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nananatili ang karapatan ng Immigration na bigyan pa sila ng ilang araw na palugit ang kanilang visa, o pauwiin na agad.

Kasabay ng pagtatanggal ng quarantine sa mga bagong dating sa mainland simula noong Jan 8 ay nagluwag din ng mga patakaran sa Hong Kong at sa Macau.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Batay sa kautusang ito, ang sino mang papasok sa Macau mula sa Hong Kong ay hindi na kailangang magpakita ng negative na resulta sa isang rapid antigen test para sa coronavirus – o mas matindi, ang mag quarantine sa isang hotel na pinili ng mga awtoridad.

Pabalik sa Hong Kong ay dapat silang mag rapid test muna  at kuhanan ng litrato ang resulta sakaling hanapin ng mga awtoridad pagdating nila. Wala nang health declaration na kailangang kumpletuhin muna.

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

Bandang huli, ang dapat talagang isaisip kapag pumunta ng Macau ay ang mag-aliw na muna, at namnamin mabuti ang kalayaang lumibot sa mga karatig-lugar ng Hong Kong na tatlong taon din na ipinagkait sa karamihan.

(Para sa mga gustong magpunta sa Macau, pinakamura at pinakamaganda ang tanawin na makikita sakay ng Hong Kong–Macau-Zhuhai bus na masasakyan sa border ng dalawang lugar.

Para naman umabot sa border ay maaring mag Airbus na dadaanan muna sa HK International Airport bago tumuloy sa Immigration checkpoint.

Katulad ng dati, maari ding sumakay ng ferry sa Sheung Wan o Tsim Sha Tsui, pero sa halagang halos triple ng bayad sa bus.

Sa kasalukuyan ay may alok ding libreng pamasahe pabalik sa Hong Kong ang mga bibisita sa Macau, basta titigil sila doon ng kahit isang araw. Tatakbo ang pakulo hanggang sa katapusan ng Marso).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss