Ng The SUN
Tanggal na lahat ang ganitong QR code sa mga restaurant at iba pang pampublikong lugar |
Simula ngayon,
Miyerkules, ay hindi na kailangang mag-scan ng LeaveHomeSafe app para makapasok
sa ilang tukoy na lugar katulad ng mga restaurant, paaralan, supermarket at iba
pa. Tatanggalin na rin sa mga lugar na ito ang kanilang QR code na dapat i-scan
ng lahat ng papasok.
Nguni’t mananatili pa rin ang tinatawag na “Vaccine Pass” na ang ibig sabihin ay kailangan pa ring magpakita ng patunay na kumpleto sa bakuna ang sino mang papasok sa mga pampublikong lugar na ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maari nila itong gawin sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang QR code (pero hindi na i-scan) na nasa LHS, LHS, "iAM Smart" or "eHealth" na mobile app, o litrato ng kanilang vaccination record na nasa kanilang mobile phone, o yung mismong papel nito.
Para sa mga edad 12 pataas, dapat na may hindi kukulangin sa tatlong bakuna kontra sa Covid-19; at dalawang turok naman sa mga batang edad 3 hanggang 11 para makakuha ng Vaccine Pass.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bukod dito, may apat na iba pang pagbabago sa patakaran na ipinahayag ng pamahalaan kahapon, at ito ang:
1) Wala nang amber code sa mga bagong dating sa
Hong Kong, na nagpipigil dati sa kanila na makapasok sa mga restaurant at iba
pang lugar na itinuturing na “high risk.” Bukod sa red code na binibigay sa mga
nag positibo sa Covid-19, ang lahat ng papasok ng Hong Kong ay bibigyan ng blue
code.
2) Pero kailangan pa ring sumailalim sa PCR test
ang lahat pagdating sa HK airport, at sa ikatlong araw ng kanilang pagdating.
Mananatili din ang utos na mag rapid antigen test (RAT) sila sa 5 araw mula
nang kanilang pagdating.
3) Tatanggalin na ang pag-RAT ng mga papasok sa
Mainland o Macau mula sa HK, pero kailangan pa ring magpakita ng negative na
resulta sa PCR na isinagawa 48 oras bago ang takda nilang paglipad o pagpasok
sa pamamagitan ng land border crossing
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
4) Hindi na oobligahin na sumailalim sa regular PCR
testing ang mga nagtatrabaho sa mga restaurant, airport, cruise ship,
quarantine center, matadero, paaralan at iba pang nasa kategorya na “high risk”
– maliban na lang kung hindi sila kumpleto sa bakuna.
Pero
kailangan pa ring isagawa ito ng mga nagtatrabaho sa mga ospital at care homes
sa mga may edad at kapansanan. Hinihimok din na magpatuloy sa pagsasagawa ng
RAT ang mga dating inoobligahan na mag PCR test.
Kasabay
nito ay babawasan na ang pag-uutos sa mga nakatira sa mga tukoy na gusali na
sumailalim sa “compulsory testing order” – pero mananatili ang pamimigay ng mga
RAT kit para makumbinsi ang mga may sintomas na mag-check kung may Covid-19
sila.
5) Tatanggalin na ang pag-oobliga sa mga naka isolate sa kanilang bahay na magsuot ng electronic wristband na ginagamit para masiguro na hindi sila lumalabas sa loob ng takdang panahon. Itutuloy din ang pamimigay sa kanila ng mga gamit na pangontrol sa coronavirus, at paniniguro na hindi nila nilalabag ang utos na huwag silang lalabas hanggang hindi pa sila nadeklarang nagamot na.
BASAHIN ANG DETALYE |
Kasabay ng pagluluwag ng mga patakaran, nagpaalala ang pamahalaan na patuloy na mag-ingat
para hindi kumalat ang coronavirus sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagtitipon, lalo na ngayong magpa Pasko.
Dapat ding pagsikapin ng lahat na kumpletuhin ang kanilang bakuna at pati ng mga may edad at bata sa kanilang pamilya para mabawasan ang pagkalat ng sakit at ang maaring pagkamatay o paglala ng sakit ng mga delikado ang kalagayan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |