Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Uuwi na si Marsha

25 December 2022

Ni Daisy CL Mandap

Masayang malungkot ang pag-uwi ni Marsha, na nabigyan ng suspendidong parusa sa Shatin court

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas bukas, Dec 26, si Marsha Love Anabeza, para tuldukan na rin sa wakas ang tatlong taong pagdurusa niya sa Hong Kong dahil lang nagkamali siya ng pagtitiwala sa isang ahente na nag-alok sa kanya ng bogus na trabaho.

Ang ahente na si Anita Li ay nasentensyahan ng anim na buwang pagkabilanggo noong Dec 14, ayon sa mga opisyal ng Immigration na humawak sa kaso ni Marsha.

“Masaya ako na kahit anim na buwan lang ang kanyang kulong ay nabigyan din ako ng justice,” sabi ni Marsha.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Ang tatlong taon kong pakikipaglaban ay mararanasan din niya sa loob ng kulungan.”

Bukod sa hindi siya nakapagtrabaho ay pinigilan din si Marsha na umalis ng Hong Kong ng mga taga Immigration habang iniimbestiga nila ang kanyang kaso.

Inabot ng isang taon bago kinasuhan si Marsha ng ilegal na pagpapanggap at pagbibigay ng maling impormasyon sa Immigration. At isa pa muling taon bago naman hinuli si Li at kinasuhan ng pagtulong kay Marsha sa kanyang pagsisinungaling.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang unang kaso ay isinampa dahil sa pagpasok ni Marsha sa Hong Kong noong Pebrero ng 2019 gamit ang employment visa na dapat ay kanselado na dahil ang among pumirma sa kanyang kontrata ay umatras para makaalis at manirahan sa ibang bansa.

Ang pangalawa ay ang pagkuha niya ng Hong Kong ID gamit ang pekeng address ng amo niyang umatras, at ang pangatlo ay dahil nagpasa siya ng sulat na pirmado kunyari ng kanyang dating amo, na nagsasabi na pinuputol na nito ang kanilang kontrata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil sa isip niya ay wala siyang kasalanan at sa tutuusin ay biktima pa ng isang mapanggap na recruiter ay itinanggi ni Marsha ang mga paratang noong una. Ang sabi niya, ang lahat ng kanyang nagawang mali ay dahil sa utos ni Li, na siya pa mismong pumirma sa termination letter na kunyari ay galing sa amo niya.

Pero sa kalaunan ay napagod din siya sa kahihintay at pag-alala sa kanyang sitwasyon kaya pumayag na siyang umamin sa mga paratang sa kanya.

Mabuti na lang at sa kanyang huling pagharap sa Sha Tin law courts  noong Dec 1 ay nagdesisyon si Magistrate David Cheung na suspendihin ang apat na buwang pagkakakulong na ipinataw sa kanya, kaya libre na siyang asikasuhin ang kanyang pag-uwi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad na dumulog si Marsha sa assistance to nationals section ng Konsulado, at pagkatapos ng ilang paliwanagan ay hindi lang one-way travel document ang binigay nila sa kanya, kundi pati ticket pauwi na rin.

Ayon kay Marsha, gusto sana niyang ituloy ang naudlot niyang pagtatrabaho sa Hong Kong dahil kailangan niyang sustentuhan ang pangangailangan ng dalawa niyang anak na naiwan sa kanyang mga biyenan sa Koronadal, South Cotabato.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kaya lang, hindi pumayag ang Immigration na manatili pa siya dito dahil sa ginawa niyang pag-amin sa mga paratang sa kanya.

Pero hindi mananatiling sarado ang pintuan ng Hong Kong sa kanya dahil ayon sa mga taga Immigration ay maari pa rin siyang makapasok bilang foreign domestic helper pagkalipas ng dalawang taon.

BASAHIN ANG DETALYE

Sakaling dumating ang pagkakataong ito ay sisiguraduhin daw ni Marsha na dadaan na siya sa tama at siguradong proseso, at hindi na muling magpapadala sa matatamis na salita ng isang huwad na recruiter.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss