Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tatapusin na ang pinaluwag na mga patakaran para sa mga FDH sa Mayo

19 December 2022

 

Balik sa dati ang mga patakaran para sa mga FDH simula sa darating na Mayo

 Ang lahat ng mga foreign domestic helper na ang kontrata ay magtatapos pagkatapos ng Apr 30, 2023 ay hindi na papayagan na makakuha ng anim na buwang extension katulad ng ginagawa ngayon dahil sa pandemya.

Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng gobyerno ngayong araw ng Lunes, tatapusin na sa Mayo ang mga pagluluwag na isinakatuparan simula noong kumalat ang Covid-19 noong unang bahagi ng 2020.

Kasama rin sa ititigil na ang pagbibigay ng isang taong extension sa mga nagtatapos ng kontrata, na nagdahilan sa pananatili ng maraming mga FDH dito kahit tapos na ang dalawang taon nilang kontrata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa gobyerno, ang pagtatanggal sa mga pinaluwag na patakaran ay dahil sa panunumbalik ng normal na pagbiyahe sa pagitan ng Hong Kong at mga bansa kung saan nagmumula ang mga FDH na nandito.

Taking into account that flights between Hong Kong and major FDH-sending countries have gradually resumed after the lifting of the place-specific and route-specific flight suspension mechanisms on April 1 and July 7 respectively this year, the lifting of the compulsory quarantine requirement on arrival in Hong Kong with effect from September 26, as well as the gradual relaxation of inbound control measures, the Government has reviewed the situation and decided to discontinue the abovementioned flexibility arrangements from May 1, 2023 onwards,” sabi ng gobyerno.

Para daw mabigyan ng sapat na panahon ang mga FDH at kanilang employer na mapaghandaan ang mga pagbabagong ito ay ipapagpatuloy pa ang patuloy na kalakaran hanggang Apr 30, 2023.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mungkahi din ng gobyerno, pag-usapan ng magkabilang panig ang mga dapat nilang gawin, katulad kung dapat ba nilang i-renew ang kontrata nila, o kung kailan dapat bumalik ng bansa ang migranteng manggagawa para maiwasan nila ang paglabag sa mga panuntunan ng Hong Kong.

Sa mga kontrata na magtatapos bago o sa mismong araw ng Apr 30, 2023, maari pa ring magkasundo ang dalawang panig na patagalin pa ng hindi lalampas sa anim na buwan ang kanilang kasunduan.

Bago matapos ang palugit na ito ay dapat na silang pumirma ulit sa panibagong kontrata, o pabayaan nang humanap ng ibang malilipatan ang FDH.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Lahat naman ng gustong magpatuloy sa pananatili sa Hong Kong kahit matatapos na ang isang taong palugit na binigay ng Immigration para sila mag exit o bumalik sa sariling bayan ay maaring humiling na payagan silang manatili muli, basta ang kontrata nila ay nakatakdang matapos bago Apr 30, 2023.

Kung ang kontrata nila ay matatapos sa takdang panahon na ito ay dapat nang lumabas o mag-exit muna sila ng Hong Kong bago bumalik dito at ipagpatuloy ang paninilbihan sa nakalistang amo.

Batay sa kasalukuyang patakaran, maari muling humingi ng isa pang taon na palugit ang isang FDH bago siya sapilitang pauwiin sa kanyang bansa.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pinapaalalahanan ang mga employer na dapat nilang ayusin na makalabas ng Hong Kong ang kanilang FDH bago matapos ang binigay na isang taong palugit sa kanilang visa (extension of stay).

Dapat din daw nilang tandaan na ang isang FDH ay kailangang lumabas agad ng Hong Kong kapag nakatapos ng dalawang taong kontrata. Ang mga na terminate naman ay bibigyan ng 14 araw na palugit para makapanatili sa Hong Kong, pero kailangang umuwi na bago matapos ito.

Patuloy na ipapatupad ang ganitong patakaran, liban na lang kung may sapat na dahilan kung bakit dapat payagan na manatili ang isang FDH na na-terminate, katulad ng kung lilipat ng ibang bansa ang employer o biglang namatay, nawalan ng trabaho o sapat na pagkukunan ng pasweldo, o may matibay na ebidensya na ang manggagawa ay sinasaktan o inaabuso.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang isang FDH na gustong lumipat ng employer ay kailangang umuwi muna sa kanyang bansa at hintayin doon ang kanyang panibagong visa.

Nagpaalala din ang gobyerno na ugaliin ang paggamit ng online application para sa pagkuha ng bagong visa. Sa paraang ito ay makikita din nila kung pino proseso na ang kanilang bagong visa o kailangan nilang gumawa ng panibagong hakbang o magpasa ng karagdagang dokumento para ito maaprubahan.

Ang lahat ng ito ay maari nilang maisagawa sa pamamagitan ng itinalagang webpage sa ilalim ng Immigration Department: www.immd.gov.hk/fdh. Sa paraang ito ay hindi na nila kakailanganing pumunta ng personal sa opisina ng Immigration at mag-aksaya ng oras at pagod.

Dapat din daw tandaan ng mga employer at mga FDH ang itinakdang petsa kung hanggang kailan sila maaring manatili sa Hong Kong, at kung kailan mapapaso ang kanilang pasaporte, para maiwasan ang paglabag sa batas.

Ang lahat ng katanungan tungkol sa mga karapatan at benepisyo ng mga FDH ay maaring ipasa sa Labour Department sa pamamagitan ng kanilang hotline, 2157 9537 o pag email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk

May partikular na website din na itinayo para sa iba pang katanungan tungkol sa pagpapatrabaho sa isang FDH, ang www.fdh.labour.gov.hk.

Ang lahat naman ng katanungan tungkol sa estado ng kanilang hinihiling na visa ay maaring itawag sa hotline ng Labour, 2824 6111 o sa pamamagitan ng pag email sa enquiry@immd.gov.hk.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss