Sa Dec. 15 ang susunod na pagdinig ng kaso sa West Kowloon Courts |
Dahil sa $267.10 na halaga ng mga panindang ninakaw umano niya sa Wellcome Supermarket sa Lantau, isang Pilipina ang nakakulong ngayon upang hintayin ang susunod na hakbang sa kaso niya sa West Kowloon Magistracy.
Ipinagpaliban sa Dec. 15 ang pagdinig ng kaso ni G. Cusay, 49 taong gulang, nang humingi ang taga-usig na bigyan pa ang pulisya ng dalawang
linggo upang mag-imbestiga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
At dahil tumutol ang taga-usig na makapag-pyansa si Cusay, inutos ni Magistrate Li Chi-ho na ibalik siya sa kulungan.
Si Cusay ay inaakusahang nagnakaw ng dalawang pakete ng beer,
dalawang bote ng gata, isang supot ng luya, isang bungkos ng talong, isang
supot ng berdeng sili at isang bote ng kape na lahat ay pag-aari ng Dairy Farm
Company Limited.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Press for details |
Ang pagnanakaw umano ay nangyari noong Nov. 22 sa sangay ng
Wellcome sa Yat Tung Shopping Centre sa Lantau.
Kung umamin si Cusay sa paratang sa susunod na pagdinig, magiging tatlong linggo na ang kanyang pagkakakulong mula nang siya ay maaresto. Kung itanggi niya ang paratang, mas tatagal pa ang kanyang pagkapiit.
Sinampahan siya ng kasong pagnanakaw noong Nov 24 sa ilalim ng Theft Ordinance, kung saan ang pinakamabigat na parusa ay 10 taon na pagkakakulong, depende sa
bigat ng pagkakasala.
BASAHIN ANG DETALYE |
Samantala, sa Eastern Magistracy, isang Pilipinang nahulihan ng 0.69 gramo ng cannabis resin (o tuyong dagta ng marijuana) ang tumanggi sa sakdal na drug possession.
Pinayagan siyang magpiyansa ng $500 matapos itakda ni Principal Magistrate Ada Yim ang paglilitis ng kaso niya sa
Mar. 3.
Si Mari Miriam Abad, 38 taong gulang at isang recognizance
holder, ay sinasabing nakitaan ng marijuana noong Jan. 21 habang nasa isang flat sa Yi Wah
St., Wanchai, at kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drug Ordinance.
PADALA NA! |
CALL US! |