Ng
The SUN
|
Itinaas ng akusado ang alok na piyansa sa $5,000 |
Tinanggihan muli ng korte ang alok na piyansa ng isang
Pilipinong inakusahan ng pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa kanyang
sarili.
Itinaas sa $5,000 ang piyansang alok ni Joy Lumbang
Yec Yec noong Dec 15 sa Shatin Court, pero hindi pa rin niya napapayag si Mahistrado
David Cheung, na nagsabing mabigat ang ebidensya laban sa kanya.
Nahaharap si Yec Yec sa dalawang kaso – isang
pagpapanggap sa tunay niyang katauhan, at pangalawa, ng pagsisinungaling sa
Immigration.
Sa nauna nitong pagharap sa korte noong Jan. 10 ay
nabigo din si Yec Yec na payagang magpiyansa.
Ito ay sa kabila ng pangako ng kanyang abugado na
regular itong magre report sa istasyon ng pulis sa Wan Chai, hindi aalis ng
Hong Kong habang dinidinig ang kaso, at mananatili sa tirahan na ipinaalam nito
sa korte.
Ayon kay Mahistrado Cheung, dahil wala namang kakilala
o koneksyon si Yec Yec dito sa Hong Kong, walang kasiguraduhan na babalik ito sa
korte kapag pinayagang magpiyansa, at mahihirapan din ang mga awtoridad na
hanapin siya.
Ibinalik si Yec Yec sa kulungan hanggang sa susunod na
pagdinig ng kanyang kaso.