Ni Danilo A. Reyes
Ang maling pagsusuot ng face mask katulad nito ang nagsanhi ng away (File) |
Binalaan ang isang Pilipino at isang Pranses noong Disyembre 28 nang humarap sila sa Eastern Magistrates Court na papagbayarin sila ng tig $1,000 na multa kapag nasangkot pang muli sa gulo sa loob ng isang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagsuntukan sina Melchor Cortez, 51, construction worker, at si Thomas Andre Philippe Boulmier, 28, bangkero, noong hapon ng Set. 17, 2022, matapos pumalag ang Pranses nang pagsabihan ng Pinoy na isuot nang maayos ang kanyang face mask.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa report ng pulis, nangyari ang insidente habang nakasakay ang dalawa sa ferry mula Lamma Islang papuntang Central.
Ang kanilang away ay lumala matapos inuntog ni Boulmier ang ulo nito sa mukha ni Cortez, na gumanti sa pamamagitan ng pagtulak sa katunggali.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Cortez ay nagtamo ng pasa sa leeg, tuhod at sugat sa mukha, habang si Boulmier ay nagkapasa sa dibdib at kaliwang siko, at gasgas sa kanang daliri ng paa.
Nang basahan sila ng sakdal sa harap ni Mahistrado Ivy Chui, inamin naman nila ang gulong kinasangkutan. Pero pareho nilang sinabi na hindi sila ang nag-umpisa ng gulo, at dinepensahan lamang nila ang kanilang sarili.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dahil lubos ang pagsisisi ng dalawa, sumang-ayon ang korte na isailalim na lang sila sa bind over o isang kasunduan kung saan ang akusado ay mangangako na hindi na muling gagawa ng krimen sa loob ng itinakdang panahon.
Kapalit nito ang hindi pagkakaroon ng record ng mga sangkot, liban na lang kung gumawa sila ulit ng kasalanan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Mariin ding pinagsabihan ni Mahistrado Chui ang dalawa na panatilihin ang kapayapaan, at tuparin ang pangako na hindi na muling sasangkot sa gulo sa loob ng isang taon.
Kapag sinuway nila ang kundisyon, pagbabayarin sila ng multa.
Dagdag dito, pinagbayad din ni Mahistrado Chui ang dalawa ng tig $500 bilang bayad sa gastos sa kanilang kaso.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |