Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinay na OS, ikinulong matapos bigong iapela ang torture claim

16 December 2022

Ang mga tumututol sa pagpapauwi sa kanila ay sa Immigration muna lumalapit (UNHCR photo)

Hinatulan ng 12 linggong pagkakakulong ang isang Pilipina matapos umamin sa kasong pag-overstay ng mahigit apat na taon nang humarap sa korte sa Shatin noong Dec. 14.

Bago ito ay nabigo si Loida T. Dontogan, 53 taong gulang, na makuha ang permiso ng High Court na dinggin ang pagtutol niya sa desisyon ng Torture Claims Adjudication Board at Immigration Department na payagan siyang manatili sa Hong Kong dahil sa tangka diumano sa kanyang buhay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa desisyon na inilabas ng Mataas na Hukuman nitong Abril ng kasalukuyang taon, walang basehan ang reklamo ni Dontogan na nagkamali ang TACB sa pagbalewala sa sinasabi niyang banta sa kanyang buhay ng isang pinagkakautangan niya.

Kahit tinanggap ng TACB na maaaring nanganganib ang kanyang buhay, marami naman daw siyang maaring pagtaguan sa Pilipinas liban sa kanyang bayan sa Benguet, at pwede din siyang humingi ng proteksyon sa mga pulis.

Pindutin para sa detalye

Sabi pa ng korte, ordinaryong kaso lang ito ng utangan at hindi sapat na dahilan para payagan si Dontogan na manatili pa sa Hong Kong kahit matagal nang paso ang kanyang visa.

Ayon sa mga dokumento sa korte, bumalik si Dontogan sa Hong Kong para magtrabaho bilang domestic worker noong Feb. 18, 2008. Una siyang dumating dito noong 1986 pero umuwi pagkalipas ng 11 taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang matapos ang kanyang kontrata noong Set. 15, 2010 ay sinikap niyang makahanap ng bagong amo nguni't siya'y nabigo. Nagdesisyon siyang huwag munang umuwi.

Lumipas ang mahigit apat na taon bago nagdesisyon si Dontogan na sumuko sa Immigration Department noong Feb 16, 2015, pero agad ding nagsampa ng non-refoulement claim, o ang pagpigil sa pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Pinayagan siyang makalabas pansamantala habang dinidinig ang kanyang kaso.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Dontogan ay ipinanganak sa Lepanto Mankayan, Benguet. Hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral at diretsong nagtrabaho sa Hong Kong noong 1986.

Noong 1997 ay bumalik siya sa Pilipinas para samahan ang kanyang mga magulang. 

Taong 2004 nang magdesisyon siyang mangutang para makapag-umpisa ng negosyo. Sa kasamaang palad ay biglang nakitaan ng cancer ang kanyang ama at nagamit niya ang inutang na pera para ipagamot ito.

BASAHIN ANG DETALYE

Nang mamatay ang tatay niya sa sakit ay siya pa rin ang gumastos sa pagpapalibing, kaya hindi niya nabayaran ang inutang na pera.

Bumalik siya sa Hong Kong noong 2008 na ang intensiyon ay bayaran ang kanyang utang unti-unti mula sa kanyang sahod. Pero nang hindi siya makahanap ng bagong amo noong Sept 2010 matapos ang kanyang kontrata ay nagtago na lang siya dahil sa takot na saktan siya ng mga nagpautang sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss