Sina Nora at Daniel sa panahon ng kasiyahan |
Isang beteranong overseas Filipino worker ang biglang namatay kahapon, Huwebes, matapos magreklamo na naninikip ang dibdib habang ubo nang ubo, kaya siya itinakbo sa ospital.
Si Delfin Deterra Fernandez, 63 taong gulang at isang driver, ay idineklarang patay sa Tseung Kwan O Hospital.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanyang asawang si Nora na kasama niyang nagtatrabaho sa iisang employer, sinabihan daw siya sa ospital na pneumonia ang ikinamatay ni Mang Delfin. Nakatakda niyang kunin ang medical certificate ngayong araw ng Biyernes.
Dagdag pa ni Nora, nakita ng mga doktor noong 2020 na may stage four kidney cancer ang kanyang asawa, kaya ito pinayuhang magpagamot agad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Wala naman daw itong mga sintomas noon bagamat bigla itong nawalan ng malay minsan sa bus. Noon na nalaman ang kanyang malalang sakit.
Mabuti na lang at mabait ang kanilang amo kaya hindi ito nag-atubili na pumirma pa ulit sa kontrata nila ni Mang Delfin para ito makapagpagamot dito.
Masayang sinalubong sa airport ang mag-asawa ng 2 nilang anak at mga partner |
Dahil sa pagpapagamot ay maayos naman daw ang kalusugan nito kaya ganoon na lang ang gulat nila nang bigla itong ubuhin nang walang patid at sabihing nahihirapan itong huminga.
Pindutin para sa detalye |
Noong una ay nag-agam agam sila na baka dinapuan ng Covid-19 si Mang Delfin kaya agad nila itong ni rapid test, at negatibo naman ang resulta. Ganoon din ang ginawa sa kanya sa ospital.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang masiguro na hindi sa Covid namatay si Mang Delfin ay nilipat ng mga awtoridad ang mga labi nito sa morge, imbes sa crematorium kung saan dinadala ang mga namatay sa coronavirus.
Balak ni Nora na magsagawa ng "viewing" ng mga labi ng kanyang asawa dahil na rin sa hiling ng kanilang mga kaibigan dito sa Hong Kong na gusto siyang masilayan sa huling pagkakataon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos nito ay sasamahan niyang umuwi ang kabaong ng kanyang asawa sa kanilang bayan sa Pangasinan kung saan hinihintay na sila ng kanilang dalawang anak na pareho nang may pamilya, at iba pang kaanak.
BASAHIN ANG DETALYE |
Nagtrabaho si Mang Delfin sa butihin nilang employer sa nagdaang 13 taon. - may dagdag na balita ni Marites Palma
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |