Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang sinisante dahil gustong magbakasyon, binayaran lang ng $500

20 December 2022

 ng The SUN

Si Macasinag paglabas sa tribunal: Sinabihan siyang di sya makakasingil ng severance pay

Tinanggap na lang ng isang 38-anyos na Pilipina ang bayad na $500 mula sa dating employer na inihabla niya sa Labour Tribunal nitong Lunes dahil sinesante siya nang magpilit siyang umuwi sa gitna ng muling pagdagsa ng Covid-19.

Gusto ni Rowena Macasinag, tubong Bicol at may tatlong anak, na bayaran siya ng dating amo na si Hoi Ying Yu ng $12,067 para sa severance pay at iba pang singilin matapos siyang  masisante noong buwan ng Hulyo.

Nagsimulang mamasukan si Macasinag noong Sep. 15, 2018 kay Yu. Siya ang nag-aalaga sa mga anak nito na ang isa ay bagong silang na sanggol at dalawang taong gulang naman ang pangalawa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos ang dalawang taon ay nagpirmahan muli ang dalawa para sa pangalawang kontrata. Hindi nakauwi si Macasinag pero pumayag daw siyang ipagpaliban muna ang kanyang pag-uwi sa Bicol dahil nauunawaan niyang mahihirapan ang amo.

Ayon sa Pilipina, ang usapan nila ni Yu ay nitong nakalipas ng Enero siya uuwi matapos ang tatlong taon at apat na buwan niyang paninilbihan sa mga amo. Subalit pinakiusapan daw siya ni Yu na ipagpaliban ang pag-uwi niya sa buwan ng Agosto.

Subali’t isang buwan bago ang inaasahan niyang pag-uwi ay sinisante si Yu si Macasinag matapos nitong ipaalala sa amo ang tungkol sa kanyang pag-uwi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tugon naman ni Yu sa Labour Tribunal, hindi na umano siya nasisiyahan sa trabaho ni Macasinag kaya pinutol na niya ang kontrata nila. Sabi pa ni Yu, napilitan lang siyang pumirma ulit ng kontrata kay Macasinag dahil kasagsagan noon ng pandemya at mahirap kumuha ng kapalit.

Subalit ayon kay Macasinag, ang tingin niyang talagang dahilan ay ayaw magbayad ni Yu ng hotel para sa kanyang quarantine pabalik sa Hong Kong kapag siya ay nagbakasyon. Namamahalan daw ito sa presyo na $500 kada araw na bayad para sa hotel quarantine.

Matapos madinig ni Timon Shum, opisyal ng Labour Tribunal, ang dalawang panig ay hinikayat niya sila na mag-ayos na lang.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ni Shum, may kahinaan ang reklamo ni Macasinag na pagbayarin si Yu ng severance pay. Bagama’t dalawang taon at 10 buwan siyang nanilbihan, kung sakaling kumuha ng bagong domestic helper si Yu ay mawawalan ng basehan ang reklamo niya.

Makakasingil lang kasi ng severance pay ang isang manggagawa kapag hindi na kukuha ng kapalit niya ang among nag-terminate sa kanya sa anumang dahilan, kabilang ang pinansyal, o dahil nagdesisyon itong lumipat ng ibang bansa. Dapat din na nakapagsilbi na ang manggagawa nang hindi kukulangin sa 24 na buwan.

BASAHIN ANG DETALYE

Sinabi din ng opisyal na kung ilalalaban ni Macasinag ang reklamo niya na hindi makatarungan ang pagsisante sa kanya, kailangan din niyang patunayan na hindi ito dahil hindi niya nagampanan nang maayos ang kanyang trabaho.

Natapos ang kaso nang sumang-ayon si Macasinag na tanggapin na lang ang alok ni Yu na bayad, bagamat malayo ito sa inaasahan niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss