Nahatulan sa Eastern Magistracy ang Pilipina. |
Isang Pilipina na nauna nang nahatulang nagkasala sa limang kasong isinampa sa kanya sa Eastern Magistracy – apat na may kinalaman sa pagpapatakbo ng isang kainan sa Central at isa dahil nag-trabaho siya nang bawal -- ang ikinulong ngayon nang 10 linggo.
Dahil napagsilbihan na ni Mary May Soriano ang dalawang
linggo sa kanyang sentensiya, na kasama ang kanyang sanggol na anak na babae, makalalabas
na ang mag-ina sa loob ng dalawang buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli si Soriano at isa pang Pilipina noong March 13, 2021
sa Room 203 ng Fai Man Bldg., sa Li Yuen West sa Central sa isang raid ng mga
pulis kaugnay ng kampanya ng gobyernong Hong Kong laban sa ilegal na pagtatrabaho.
Noong Nov. 30 ay nahatulan ni Magistrate Edward Wong na nagkasala
si Soriano sa lima sa siyam na paratang sa kanya, pero pinawalang sala ang kasama
niyang si Jenivib Balanggao matapos nitong igiit na customer lang siya nang
magkahulihan sa kainan.
Pindutin para sa detalye |
Ang ipinataw na parusa kay Soriano ay 12 linggong kulong para
sa salang pagtitinda ng alak nang walang lisensiya at pagkakaroon ng alak na pambenta
nang walang lisensiya.
Pinarusahan din siya ng dalawang linggo para sa dalawang
kaso ng paglabag sa panuntunang ipinatutupad noon laban sa pagkalat ng Covid-19
– dahil nanatiling bukas ang kainan lampas sa 10pm na itinakdang oras ng pagsasaran ayon sa utos ng Secretary of Food and Health, at ang pagpayag na magkumpulan ang mga tao sa lugar na kanyang pinatatakbo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Para sa pagtatrabaho nang ilegal – dahil ayon sa Immigration
Ordinance ay bawal magtrabaho o magtayo ng negosyo ang isang turistang gaya
niya -- ay pinarusahan siya ng 12 linggo sa kulungan.
Dahil inutos din ni Magistrate Wong sa sabay-sabay na
pagdusahan ni Soriano ang mga parusa, ang naging kabuuang parusa ay 12 linggo.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
At bilang pagtugon sa panawagan ng abogado ni Soriano na
bigyan siya ng kaluwagan sa pagpaparusa dahil may alaga siyang sanggol sa
kulungan, binawasan ni Magistrate Wong ng dalawang linggo ang sentensiya niya.
BASAHIN ANG DETALYE |
Basahin ang naunang balita tungkol dito: https://www.sunwebhk.com/2022/11/pilipina-ikinulong-kasama-ang-anak-na.html
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |