Dito nagsimula ang kaso ng Pilipina |
Nang mahuli si Genelyn Cusay na nag-shoplift sa isang tindahan ng Wellcome Supermarket sa Lantau noong Nov. 22, nabisto rin na overstay na siya nang higit sa anim na taon.
Kanina (Dec. 15), mas malaking parusa ang iginawad kay Cusay
sa paglabag niya sa section 41 ng Immigration Ordinance -- dalawang buwan sa
kulungan – kesa sa anim na araw para sa una niyang kasalanan, ang pagnanakaw ng
paninda ng Wellcome.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Natanggap ni Cusay ang sentensiya mula kay Magistrate
Jeffrey Sze matapos siyang umamin sa dalawang paratang sa pagdinig sa West
Kowloon magistracy.
Inutos ni Magistrate Sze na pagsilbihan niya nang sabay ang
dalawang parusa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Unang nahuli si Cusay na nagnakaw ng dalawang pakete ng
beer, dalawang botelya ng gata, isang balot ng luya, isang bungkos ng talong,
isang pakete ng green pepper, at isang bote ng kape na nagkakahalaga ng
kabuuang $257.10 mula sa tindahan ng Wellcome sa Yat Tung Shopping Center sa Lantau.
Kinasuhan siya ng paglabag sa Theft Ordinance.
BASAHIN ANG DETALYE |
Habang iniimbestigahan, lumabas din na paso na ang kanyang
visa bilang turista, na may bisa lamang hanggang June 22, 2016.
Kinasuhan siya ng breach of condition of stay, o paglabag sa kondisyong ibinigay ng Immigration Department para sa kanyang paglagi sa Hong Kong, na may parusang multa na aabot sa $50,000 at kulong na dalawang taon.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |