Pwede nang irehistro ng iyong SIM card na pang-Pilipinas simula ngayon |
Simula ngayong araw ng Martes, Disyembre 27, ay maari nang irehistro ang SIM card na inyong gamit sa Pilipinas, ayon sa bagong batas na tinatawag na SIM Card Registration Act.
Kapag hindi ito narehistro sa itinakdang petsa ay
hindi na magagamit ang SIM card at pati na ang numerong nakakabit dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa National Telecommunications Commission
(NTC), may palugit na anim na buwan ang publiko para magparehistro. Kung
kinakailangan, maari pa itong palawigin ng 120 araw, o apat na buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang pagrerehistro ay online, at ayon sa NTC ay
madali lang. Kailangan lang sagutin ang form sa website ng mga telephone
companies o telco.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasama sa mga hinihinging impormasyon ay ang
pangalan, tirahan, petsa ng kapanganakan at kasarian ng gumagamit ng SIM card.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kung walang koneksyon sa internet, maaring humingi
ng tulong sa mga telcos, Department of
Information and Communications Technology, at iba pang sangay ng gobyerno.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Tinitiyak
din ng NTC na ligtas at protektado ang mga personal na detalye ng bawat
magrerehistro ng kanilang SIM card.
Sinumang
magbibigay ng maling impormasyon sa kanilang pagrerehistro ay maaring makulong
at magmulta ng hanggang P1 million.
BASAHIN ANG DETALYE |
Payo
naman ng mga telco sa publiko, abangan ang kani-kanilang anunsyo para sa
proseso ng pagpaparehistro sa kani-kanilang account sa social media.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |