Pauwi si Elcy Manabat matapos marinig ang hatol sa kaso niya. |
The SUN
Isang
Pilipina na napilitang mag overstay matapos mawalan ng trabaho noong Abril 20,
2020, kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19, ang nakaligtas sa kulong matapos
umamin sa kanyang pagkakasala pagharap sa Shatin Court kanina.
Si Elcy Manabat, 43 taong gulang, may asawa at apat na anak at tubong Tarlac, ay kusang sumuko sa mga awtoridad nitong Nobyembre 22, para tuldukan ang dalawang taon at limang buwan na pananatili sa Hong Kong ng walang karampatang visa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanyang abogado, sinikap ni Elcy na humanap ng bagong mapapasukan nang i-terminate ng dating amo ang kanilang kontrata noong Sept. 6, 2020 nguni’t siya ay nabigo.
Nang matapos ang dalawang linggong palugit na binigay sa kanya para manatili sa Hong Kong ay nagdesisyon siyang magtago.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil malinis ang kanyang record, bukod sa kanyang kusang loob na pagsuko at pag-amin sa kasalanan, ay binawasan ni Mahistrado David Cheung Chi-Wai ang dapat 12 linggong pagkakulong niya at ginawa itong walong linggo, na sinuspindi pa ng dalawang taon.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ibig sabihin, hindi makukulong si Elcy kung sa loob ng dalawang taon ay hindi siya muling lalabag sa batas.
Sinabi ng isang Immigration officer sa kanya sa labas ng korte na maari na niyang mabawi ang kanyang passport sa opisina nito sa Kowloon Bay.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |