Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OS na Pinay, binawasan ang parusang kulong dahil sa asawa na maysakit

16 December 2022

 

Kulong pa rin ang hatol sa Pilipinang na overstay ng halos 2 1/2 na taon

Anim na linggong pagkakakulong ang ipinataw na sentensiya sa isang Pilipina nitong Huwebes, Dec. 15, ng Shatin Magistrates’ Court dahil sa kanyang pag overstay ng dalawang taon at limang buwan sa Hong Kong.

Si Arlyn Albe Tuquero, na nasa 60s na ang edad, ay isang dating domestic helper na nakapangasawa diumano ng isang 83 anyos na lokal na Intsik dito sa Hong Kong. Si Tuquero ay may limang anak sa unang asawa nito sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos matanggal sa trabaho bilang domestic helper, napilitang mag overstay si Tuquero  bunsod na rin ng matinding pangangailangang pinansyal para suportahan ang kanyang mga anak noong kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19.

Matapos basahan ng sakdal ay agad inamin ni Tuquero ang pagkakasala. Pero, dagdag niya, siya lang ang nag-aalaga sa kanyang asawa, at kalalabas lang nito sa ospital kahapon, Dec. 14, matapos magkasakit.

Pindutin para sa detalye

Hiniling ni Tuquero sa korte na bigyan siya ng magaan na sentensiya para tuloy-tuloy na maalagaan niya ang kanyang asawa.

Bilang tugon, sinabi ni Mahistrado David Cheung kay Tuquero na ipaabot nito ang hiling niya sa korte sa pamamagitan ng kanyang abugado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi malinaw kung bakit nag-overstay si Tuquero sa kabila ng siya ay nakapag-asawa naman ng isang lokal na Intsik noong Hunyo 2018, ayon sa dokumento na isinumite ng kanyang abugado sa korte.

Hiniling ng abugado na ang kusang loob na pagsuko ni Tuquero at ang kasaluyang personal na kundisyon nito na kinakailangang mag-alaga sa asawa, ay bigyan sana ng halaga sa pagpataw ng sentensiya sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Binigyang pansin naman ng mahistrado ang hiling ng abugado, nguni’t nagdesisyon pa rin na kailangang makulong si Tuquero.

Mula sa dapat sana’y 12 linggong pagkakakulong, ay binawasan ang sentensiya ng 1/3 o apat na linggo dahil sa kanyang pag-amin. May dinagdag pang dalawang linggong diskwento ang mahistrado dahil sa personal na sitwasyon ni Tuquero kaya nauwi sa anim na linggo sa kulungan ang kanyang parusa.

BASAHIN ANG DETALYE

Habang pinagsisilbihan niya ang kanyang sentensiya ay pumayag si Tuquero sa suhestiyon ng korte na ipasa pansamantala sa Social Welfare Department ang pangangalaga sa kanyang asawa.

Humarap si Tuquero sa korte kasama ng kanyang mga kaibigan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss