Sa Marso pa lilitisin si Bang-asan sa 2 kaso ng pagbibigay ng maling impormasyon sa Immigration |
Isang Pilipina na dating domestic worker ang umamin
na nag-overstay ito sa Hong Kong nang humarap sa Shatin Court nitong Biyernes,
Dec. 23.
Pero itinanggi ni Magdalena Bowaken Bang-asan, 48 taong gulang, ang paratang na dalawang beses siyang nagsinungaling sa mga opisyal ng Immigration tungkol sa kanyang paninilbihan sa dalawang magkaibang amo kaya siya lilitisin sa Mar 31, 2023.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa taga-usig, unang nagsinungaling si Bang-asan noong Dec 14, 2021. Nagsinungaling umano ito sa opisyal ng Immigration na siya ay naninilbihan kay Lai Fong Ho bilang domestic helper.
Naulit umano ang pagsisinungaling ni Bang-asan noong Feb 10, 2022, nang isinulat nito sa kanyang aplikasyon para makakuha ng employment visa na siya ay namasukan sa amo na nagngangalang Lui Man So.
|
Ayon sa tagausig, hindi totoo na si Bang-asan ay namasukan kina Lai Fong Ho at Lui Man So bilang domestic helper. Dagdag pa nito, may anim silang testigo na magpapatunay sa pagsisinungaling ni Bang-asan.
Sagot ng abugado ni Bang-asan, balak nilang patunayan na hindi nagsinungaling ang akusado sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga testigo ng tagausig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inamin naman ni Bang-asan na nag-overstay siya matapos matanggal sa trabaho noong Feb. 19, 2022. Nanatili siya sa Hong Kong kahit paso na ang dalawang linggong palugit para manatili siya sa Hong Kong.
Matapos umamin ang Pilipina sa unang paratang, inutos ni Mahistrado David Cheung na litisin muna siya sa dalawa pang kaso bago siya bigyan ang karampatang parusa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Inutusan niya ang magkabilang panig na magsumite ng pirmadong pagpapatunay bago mag Mar 24 na sumasang-ayon sila sa mga detalye ng kaso.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ibinalik si Bang-asan sa kulungan hanggang sa araw ng kanyang paglilitis, kaya doon siya magpa Pasko at Bagong Taon.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |