Ang pasukan ng gusaling pinangyarihan ng insidente |
Ang pakay niya lang sana ay mabawi ang kanyang mga gamit sa opisina ng kanyang dating girlfriend. Pero nang hindi siya pagbuksan, nagwala si B. E. Invento at pinagsisipa niya ang pinto ng opisina hanggang masira.
Ngayon, maliban sa nagsisisi sa ginawa, nagkagastos pa siya
ng kabuuang $8,130 nang patawan siya ng parusa ni Acting Principal Magistrate Veronica
Heung sa West Kowloon Magistracy sa Cheung Sha Wan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang parusa ay binubuo ng multang $6,000 at $2,130 na
ibinayad sa kanyang dating girlfriend para sa pagpapakumpuni ng pintong sinira
niya.
Ibabawas ito sa $10,000 piyansang inilagak niya sa korte
upang pansamantalang makalaya.
Umamin si Invento nang humarap siya sa korte ngayon at basahan
ng salaysay ng pangyayari .
Ayon sa sakdal, nagpunta siya sa opisina ng kanyang dating
girlfriend, ang The Nest Trading Co., sa 16th floor ng Pakpolee Commercial
Centre sa Sai Yeung Choi South sa Mongkok, Kowloon, upang kunin ang kanyang mga
gamit.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero nang hindi siya pagbuksan ay nagwala siya at pinagsisipa
ang pinto hanggang ito ay masira at siya ay makapasok. Habang ginagawa niya ito
ay tumatakbo ang CCTV at nakunan ang buong pagyayari.
Maya maya ay dumating ang kapatid na lalaki ng girlfriend
niya, at nakasalubong pa siyang paalis. Tumawag ito ng pulis nang makita ang
sirang pinto.
Press for details |
Kinasuhan si Invento ng pulis ng kasong “criminal damage” noong
Sept. 23.
Sa pagdinig kanina, humingi ang abogado ni Invento ng pagluluwag
sa pagpaparusa sa nagawa nito.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sinabi ng abogado na may malinis itong rekord at nagsisisi sa ginawa niya, na handa siyang bayaran ang nasira at malayong uulit dahil ang nangyari ay nagmula lamang sa bugso ng damdamin.
Si Invento, 23 taong gulang at isang waiter, ay ipinanganak at lumaki sa Hong Kong.