Lahat ng bibiyahe papuntang Pilipinas simula ngayon ay dapat sa eTravel na magrerehistro |
Simula ngayong araw ay hindi na epass ang dapat gamitin ng mga bibiyahe papunta sa Pilipinas para irehistro ang kanilang mga personal na detalye, kundi ang bagong eTravel.
Ayon sa pahayag ng gobyerno ang mga pasahero na
papasok sa dating website na www.onehealthpass.com.ph
simula ngayon, Dec. 2, ay mapupunta sa bagong eTravel platform: https://etravel.gov.ph/ para doon sila
magrehistro sa loob ng 72 oras bago ang takdang paglipad patungo sa Pilipinas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Hindi na tatanggapin ang pagrerehistro gamit ang papel
kaya dapat ay online na ito gagawin ng lahat ng mga darating sa Pilipinas.
Simula sa Dec 5 ay isasara na ang lumang onehealthpass
website, kaya dapat ay sa etravel platform na dumiretso ang mga parating.
Layunin daw ng bagong sistema na mas mapabilis ang
pagrehistro ng lahat ng papasok ng bansa, para din mas mapaaayos ang pagkolekta
ng impormasyon ng pamahalaan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinapaalala din sa lahat na libre ang pagrehistro para
sa eTravel kaya dapat ay maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga
nagpapatakbo ng website kung saan sinisingil ang mga gustong makakuha ng
eTravel pass.
Bukod sa eTravel pass, dapat ding magpakita ng patunay
ng bakuna kontra Covid-19 ang mga biyahero. Ang mga edad 18 pataas at may booster
o pangatlong dose ng bakuna at mga batang edad 12 pababa na may dalawang turok ay
hindi na kailangang magpakita ng negatibong resulta ng PCR test.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang mga hindi nabakunahan o kulang ang bakuna ay
kailangang magpakita ng negatibong resulta sa isang PCR test na kinuha sa loob
ng 48 oras bago ang takdang pagsakay ng eroplano papunta sa Pilipinas – o rapid
antigen test na isinagawa ng isang laboratory 24 oras o mas maiksi pa, bago ang
takdang lipad.
Kailangan ding may passport na hindi kukulangin sa
anim na buwan ang validity o bisa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |