The SUN
5 araw na lang ang rapid test at isolation ng mga FDH na hindi agad pinapatuloy sa bahay ng amo |
Simula ngayong araw ng Biyernes, Dec. 2, ay paiiksiin
na sa lima, mula sa pitong araw, ang panahon na kailangang manatili sa hotel o
boarding house ng mga foreign domestic workers na bagong dating sa Hong Kong at hindi agad pinapatuloy sa bahay ng employer.
Ibig sabihin, limang araw na lang din sila kailangang
mag rapid antigen test (RAT) imbes na pito. Pero mananatili ang regulasyon na
dapat silang mag PCR test pagdating sa airport, at sa Day 2 o sa ikalawang araw ng kanilang pagdating.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ito ay mula sa pahayag ng Labour Department na
inilabas kagabi.
Pero nilinaw din ng LD na yung mga pinadiretso sa bahay
ng kanilang employer ay maari nang lumabas para mamalengke o sumakay sa mga
pampublikong sasakyan kahit naka yellow vaccine pass sila sa unang tatlong araw
ng kanilang pagdating.
Ang hindi lang nila maaring gawin ay pumasok sa mga
restaurant o ibang lugar na tinatawag na “high risk” katulad ng mga ospital at
korte kung saan dikit-dikit ang mga tao.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang limang araw na pananatili sa loob ng kanilang
kuwarto ay ipapatupad lamang kapag pinili ng employer na huwag munang dumiretso
sa bahay nila ang kanilang paparating na FDH, at manatili sa isang hotel o
boarding house.
Sa loob ng panahong ito ay dapat bayaran ng employer
ang tinutuluyan ng FDH at bigyan sya ng food allowance. Dapat din niyang
bayaran ng buo ang suweldo ng FDH.
Pindutin para sa detalye |
Ang mga nasa hotel na
bago ipatupad ang bagong patakaran ay maari pa ding kumpletuhin ang pitong araw
ng kanilang pananatili.
Kapag nakatanggap ng negative na resulta sa RAT ang isang bagong dating ay magiging blue o asul na ang kanilang vaccine pass, na ang ibig sabihin ay maari na silang magpunta sa kahit anong pampublikong lugar.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinaalala din ng gobyerno na kailangan pa ring magpakita ng negative na resulta sa RAT na kinuha ng hindi lalampas sa 24 oras bago ang takdang paglipad, ang sinumang darating sa Hong Kong mula sa ibang bansa, kabilang ang mga FDH.
Dapat din nilang kumpletuhin ang “Health & Quarantine Information Declaration” ng Department of Health (www.chp.gov.hk/hdf) bago sila sumakay ng eroplano papunta sa Hong Kong.
BASAHIN ANG DETALYE |
Para sa mga karagdagang detalye, basahin lang ang pahayag ng gobyerno tungkol dito: www.info.gov.hk/gia/general/202212/08/P2022120800701.htm.
Maari ding tumawag sa
24-hour hotline ng Labour Department, 2717 1771 o mag email safdh-enquiry@labour.gov.hk o
mensahe sa kanilang website: www.fdh.labour.gov.hk.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |