Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga migrante sa HK at Middle East, nanawagan na ibasura ang OEC

10 December 2022

 Ng The SUN

Sa simbahan naglalagi ang mga tumutulong sa mga OFW na makakuha ng OEC


Nagkaisa ang mga migranteng manggagawa sa Hong Kong at Middle East na ipanawagan ang pagbabasura sa overseas employment certificate (OEC) dahil diumano ay hindi naman ito kailangan, at sobrang pasakit sa kanila ang pagkuha nito.

Isinagawa ang panawagan sa isang online na pagpupulong nitong Biyernes na ipinatawag ng Migrante International.

Sa kanyang pangunang salita, sinabi ni Dolores Balladares Pelaez, pinuno ng United Filipinos in Hong Kong (Migrante), na dahil malapit na ang Pasko at nagluwag ng mga patakaran kontra sa Covid-19 ang HK ay maraming OFW ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas, at dahil dito ay kailangang kumuha ng OEC.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero hindi sila basta-basta makakakuha nito dahil kailangan nila ng appointment bago sila makapasok sa Philippine Overseas Labor Office o Polo, sabi ni Pelaez.

“Marami ang gustong kumuha ng OEC mula sa Konsulado, pero dahil wala silang appointment ay hindi sila natulungan,” dagdag niya.

Ipinarating na raw ng grupo niya kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ang kanilang pakiusap na tanggalin na ang OEC pero wala daw silang sagot na natanggap.

Pindutin para sa detalye

Dahil maraming reklamo ang natatanggap nila mula sa mga OFW na kumukuha ng OEC ay nagdesisyon ang Unifil-Migrante kamakailan na magprotesta laban dito tuwing araw ng Linggo, na siyang araw ng pahinga ng maraming migrante.

Ayon naman kay Marites Palma, na nagtatag ng grupong Social Justice for Migrant Workers, sa tinagal-tagal niya sa Hong Kong ay hindi pa rin nawawala ang problema sa OEC. Mas lumala pa raw nang i-“digitize” ito dahil marami sa mga may edad na katulad niya ang hirap sumabay sa makabagong teknolohiya.

Inilahad ni Palma ang kanyang naging karanasan noong umuwi siya sa kanilang bayan sa Isabela para magbakasyon, at nagdesisyon na doon na lang kumuha ng OEC. Nang sabihin sa kanya na kailangan niyang magpakita ng patunay na miyembro siya Pag-IBIG Fund para maka kuha ng OEC ay kinailangan niyang magbyahe ng 100 kilometro dahil walang malapit na opisina ng Philippine Overseas Employment Administration (OWWA) sa kanila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa maramdaming boses ay tinanong ni Palma kung ano ba talaga ang silbi ng OEC gayong may kontrata at visa naman na maaring ipakita ang isang OFW bilang patunay na siya ay isang lehitimong manggagawa sa labas ng bansa.

Ayon naman kay Marigold, napilitan siyang magbayad na lang ng $60 sa isa sa mga tindahan sa ibaba ng Konsulado para lang makakuha ng OEC. Pero laking gulat niya nang makita na mali ang kasarian na nakasulat sa ibinigay sa kanyang OEC. Ayaw na raw itong palitan nung nasa tindahan.

Malungkot na karanasan din tungkol sa OEC ang ibinahagi ni Ludy na nasa Dubai. Sinubukan daw niyang kumuha nito online, pero dahil hindi siya agad nasagot sa katanungan niya ay nagdesisyon siyang umuwi na lang at doon na asikasuhin ang pagkuha nito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero muntik na raw siyang hindi nakabalik dahil ayaw siyang bigyan ng OEC sa punong tanggapan ng POEA at wala daw silang record na na verify ang kontrata niya dito. Dahil dito ay pumasok daw sa isipan niya na umalis na lang sa bansa na parang turista para makabalik sa trabaho niya.

“But why would I do that if the government is efficient? It's just so stupid... When our government does this, we will not have a chance to be hired as talents... Companies will rethink why they are hiring Filipinos with all this hassle.” (Pero bakit ko ito gagawin kung napapatakbo nang maayos ang gobyerno? Isa itong kabobohan. Kung ipagpapatuloy na gawin ito ng gobyerno ay hindi na tayo makukuha sa ibang lugar dahil sa ating galing. Mag-iisip na ang mga kumpanya na kuning manggagawa ang isang Pilipino dahil sa aberyang ito.”

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon naman kay Mark Aquino ng Migrante Middle East ay isang kalamidad na gawa ng tao ang OEC, at dahil dito ay nagdurusa ang mga OFW.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

 

Don't Miss