Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

May nahimatay, may nagwala dahil sa OEC

03 December 2022

 Ni Daisy CL Mandap

Nahimatay habang nakapila para sa OEC ang isang OFW na namatayan ng kapamilya
(mula sa video ni Ellen Tamayo na pinost sa Facebook)

Patuloy pa rin ang paghihinagpis ng maraming mga migranteng Pilipino sa Hong Kong dahil sa hirap nang pagkuha ng overseas employment certificate (OEC) na kailangan nila para makabalik sa kanilang trabaho matapos umuwi sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post na nag viral ay nakita ang isang Pilipinang nahimatay habang nakapila para sa OEC.  (heto ang link: https://www.facebook.com/reel/670499984603339)

Sa isa pang post ay nakita naman ang isa pang Pilipina na nanggagalaiti sa galit dahil hindi diumano natulungan na maayos ang kanyang mga papeles para makakuha ng OEC. (link: https://fb.watch/ha4D1o23f0/)

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Ellen Tamayo, na nag post ng video ng babaeng hinimatay, nangyari ang insidente noong Huwebes, Dec. 1. Base sa kuwento ng isang katabi ng babae ay nagmamadali daw ito na makakuha ng OEC dahil gusto nang umuwi at namatayan.

“Kawawa naman sya, sobrang stress, walang kain at nagmamadali sa OEC at namatayan sila. Nawalan siya ng malay habang nakapila,” sabi ni Tamayo sa kanyang post.

Mabuti na lang daw at may dala siyang white flower liniment at iyon ang pinaamoy sa babae ng isang lalaking staff ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na biglang tumakbo mula sa service counter para tulungan yung nahimatay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Hindi ko na nakuhanan ng video nang nilagay ni sir sa tissue (yung white flower) tapos pinaamoy sa babae hanggang nakatayo siya at pinaupo sya,” kwento pa ni Tamayo.

Marami daw tao noon at nagkataong nandoon siya para mag-verify ng kanyang kontrata. Napansin niya na walang linya para sa mga may emergency katulad nung babaeng hinimatay.

“Sana naman ay maayos na yan (problema sa OEC) dahil kawawa naman ang mga OFW na matagal-tagal na din na hindi nakauwi sa mga pamilya, tapos pahirapan pa sa OEC,” dagdag niya.

Pindutin para sa detalye

Sa post naman ni Bryan Belisario ay makikita ang isang babae na biglang umalis sa harap ng mga service counter sa Polo at nagsisigaw sa galit.

Galit na lumayo sa counter ng Polo ang babae na hindi daw natulungan para makakuha ng OEC

“Hirap na kami sa trabaho namin, pati ba naman dito, pahihirapan pa? Diyos ko naman, nasaan ang mga puso ninyo?,” sabi ng babae. Dagdag pa nito, wala namang masyadong tao pero hindi pa rin siya natulungan.

Paliwanag ni Belisario, “They won’t entertain enquiries (or those) asking for assistance.” (Hindi sila sumasagot ng tanong o yung nanghihingi ng tulong).

Kaya daw lalong sumasama ang loob ng marami ay ang Polo dapat ang kanlungan ng mga may pinagdadaanang problema, pero lalo pa itong nakakadagdag sa kanilang dinadala dahil ayaw silang tulungan.

Mabuti na lang daw at naturuan ng kanyang grupo ang babae, kaya noong huli ay siya na ang tumulong sa mga kapwa OFW na kumuha ng OEC.

Ang isa pang ikinasasama ng loob ng maraming OFW, ayon kay Belisario, ay parang mas mabilis makakuha ng appointment ang mga negosyante sa ikalawang palapag ng United Centre, kung saan naroon din ang Konsulado at Polo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa halagang $60 daw ay tinutulungan ng mga negosyante ang mga OFW na makakuha agad ng OEC, samantalang kung sa mismong Polo sila pupunta ay kailangan pa ng appointment.

“May appointment sa itaas, sa baba may bayad, walang appointment,” sabi niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Ito rin ang himutok ng ilang mga lider ng komunidad, katulad ni Dolores Balladares-Pelaez ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) na nananawagan na tanggalin na ang OEC na matagal na raw nagpapahirap sa mga OFW.

Habang hindi pa daw nila ito magawa ay ibalik na lang ng Polo ang mga volunteer sa kanilang opisina para tulungan ang maraming OFW na hirap na hirap na makakuha ng OEC. Tigilan na rin daw ang pagkabit ng Pag-IBIG Fund sa OEC dahil isa pa itong nagdadagdag ng pahirap sa mga OFW.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Don't Miss