Para sa mga mahilig mag-hiking, isang magandang paanyaya ang kasalukuyang maginaw na panahon sa Hong Kong upang isuot muli ang inyong sapatos na pang akyat-bundok.
Ito ay dahil mas komportableng mamundok tuwing ganitong panahon,
at hindi kasing hirap kung tag-araw, dahil sa malamig at nakakapagpasiglang simoy
ng hangin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero nagpaalala ang Agriculture, Fisheries and Conservation
Department (AFCD) na dapat mag-ingat ang mga tumatawid sa mga parkeng pinangangasiwaan
nito, kabilang na ang mga bundok na madalas akyatin ng mga mahihilig dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isa sa mga paalala ng AFCD ay ang pag-iwas sa 19 na lugar sa
loob ng sampung country park, na tinagurian nitong mapanganib dahil sa mga
aksidente doon na nagsanhi ng pinsala sa katawan at kamatayan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga paalala ay makikita sa mga warning sign na itinayo ng AFCD upang balaan ang mga tao na iwasan at huwag nang pumasok sa mga lugar na ito dahil mapanganib.
Ang dalawang parke na may pinakamaraming lugar na dapat iwasan ay ang Sai Kung East at Lantau South.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa Sai Kung East, apat ang dapat iwasan: Sharp Peak, Quadruplex
Pool, Yin Tsz Ngam at Kim Chu Wan.
Sa Lantau South, ang mga dapat iwasan ay Kau Nga Ling area, Shui
Lo Cho. Lo Hon Tower, at Inverted Wrist Cliff.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ag iba pang mga parke na may warning sign:
Shing Mun: Tai Shing Stream.
Lion Rock: Lion Rock Peak.
Plover Cove: Bride's Pool Waterfall
BASAHIN ANG DETALYE |
Lantau North: Wong Lung Stream at Nei San Stream (malapit sa
Nei Lak Shan Country Trail).
Pat Sin Leng: ang bangin sa Hsien Ku Fung (na kilala rin bilang
Monkey Cliff) at Ping Nam Stream.
Tai Mo Shan: Tai Shek Stream.
Ma On Shan: Tiu Shau Ngam area at ang bangin sa Fei Ngo Shan
(na kilala rin bilang Suicide Cliff).
Lantau North (Extension): Nei San Stream (na kilala rin bilang
Mo Tin Ngai).
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |